^

Pang Movies

Dating Yorme Isko, digital creator na rin

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dating Yorme Isko, digital creator na rin
Isko

Retirado na sa pulitika si former Manila mayor Isko Moreno.

Kaya’t binalikan ni Isko ang pag-aartista at kasama siya sa pelikulang MOM (Martyr or Murderer) kung saan lalabas siya bilang si former senator Ninoy Aquino.

Sinasabing sequel ito sa hit movie na Maid In Malacañang at sa Ilocos pro­vince niya ito ginawa. Ilan sa kasama niya sa cast ay sina Cesar Montano bilang Marcos at Ruffa Gutierrez bilang Imelda Marcos.

“I am grateful at kasama ko sina Cesar at Ruffa sa movie. Kabado ako nung una pero natuwa naman si direk Darryl sa performance ko,” saad ni Isko nang pasyalan namin sa production office niya sa BGC Taguig City.

Bukod sa pag-aartistang muli, magkakaroon ng digital talk show si Isko na Is­ko-n­­versations na siya ang host. May nakalaan din siyang trabaho sa taga-showbiz sa mundo ng digital platforms at streaming.

“I want to pay back sa mundong una kong pinasok. Puwede silang maging content creators at welcome sila sa Scott Media production house,” sambit niya.

Mistulang isang network ang Scott Media at high tech ang gamit na ipinakita sa amin ni Isko.

Wagi sa Asian TV awards

Winner bilang Best Entertainment Presenter/Host ang Triple A artist na si Maine Mendoza sa nakarang 27th Asian TV Awards.

Host ng Maine Goals si Maine na napapanood sa BuKo Channel and of course, sa Eat Bulaga rin.

Hindi nga lang personal na natanggap ni Meng ang award niya dahil may ta­ping siya ng Daddy’s Gurl sitcom.

Siyempre , proud ang Access To All Artists management ni Maine gayundin ang kanyang fans na patuloy pa rin siyang sinusuportahan!

Congratulations, Maine!

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with