^

Pang Movies

Maine, nagbunga ang trabaho kahit pandemic   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine, nagbunga ang trabaho kahit pandemic              
Maine

Nagbunga ang pagiging professional ni phenomenal star Maine Mendoza, na kahit noong panahon ng pandemic ay tuluy-tuloy pa ring nagti-taping ng kanyang travel and lifestyle show na #MaineGoals sa BuKo Channel, for two seasons.

Congratulations kay Maine dahil siya ang napiling Best Entertainment Presenter/Host for #MaineGoals, sa katatapos na 27th Asian Television Awards, ang largest in content, entertainment, and broadcast awards in Asia Pacific. Nagwagi siya laban sa nominees from around Asia, like Singapore, India, Taiwan and Thailand. Very memorable ang panalong ito ni Maine dahil ito ang first solo hosting project niya. Ginanap ang awards night sa Aliw Theatre, Pasay City, last Thursday evening, Dec. 1.

Sayang at hindi personal na natanggap ni Maine ang award dahil nasa taping naman siya ng isa pa niyang TV show, ang Daddy’s Gurl.

Meanwhile, papuntang Japan sina Dabarkads Maine, Wally Bayola at Allan K, para sa Philippine Festival as they present Eat Bulaga Live!!! sa Yoyogi Park, Shibuya in Tokyo, Japan ngayong Sunday, Dec. 4.

Billy at Coleen, tuloy na ang paglayas ng ‘Pinas?!

Finale episode na this Sunday ng biggest game show na The Wall Philippines hosted by Billy Crawford, at an earlier timeslot, 2 p.m., right after ng All-Out Sundays sa GMA 7. Mga contestant sina Andrea Torres at Max Collins. Matupad kaya ng dalawang Kapuso actresses ang goal nilang maging milyonaryo? Exciting tiyak ang episode na ito.

Ngayong tapos na ni Billy ang pagho-host ng The Wall Philippines, matuloy na kaya ang balak nila at ng wife niyang si Coleen Garcia na tuluyan nang manirahan sa France nang matagalan. 

May bago kasing pinagkakaabalahan doon si Billy matapos mag-champion sa dance competition show na Dancing With The Stars. Kasama rin nina Billy at Coleen ang two-year-old son nilang si Amari at ini-enjoy nila ang buhay doon at ang itinatakbo ng career niya kasama ang kanyang family. Ayon pa kay Billy, hindi naman ganoon ka-hectic ang trabaho niya kaya masaya siya dahil kasama ang asawa at anak.

MAINE MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with