^

Pang Movies

Jinkee, sa bagong bahay na nila nagpi-pictorial?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Nabenta na ba ‘yung bahay nina boxing champion  Manny Pacquiao sa Forbes?

“Parang” sagot ng isang kausap ko.

Marami kasing nakakapansin na lately kasi ay parang bagong bahay na ang pino-post ni Jinkee na ongoing ang construction.

Though may nagsabing nabenta na nga ito, sa Singaporean, wala pang nagko-confirm tungkol dito.

Pero ‘yun nga, mga bagong spot na ang pino-post ni Jinkee, na lilipatang bahay diumano ng pamilya Pacquiao na malapit din sa Forbes.

Walang caption ang mga post ni Jinkee at limited ang nakakapag-comment kaya walang maka-investigate.

Napabalitang up for sale ang nasabing mansion ng mga Pacquiao ng P2 billion almost two years ago pa.

Samantala, controversial ngayon ang former senator dahil sa statement ng Filipino referee na si Carlos Padilla na ‘dinaya’ nila ang laban para manalo si Pacman laban sa Australian fighter na si Nedal Hussein back on Oct. 10, 2000 at the Ynares Sports Center in Antipolo, na naging malaking isyu ngayon.

Pero may paliwanag dito ang anak ng legen­dary referee na si Suzy Padilla Tuano : “My father is an 88 year old man who is just that — old and aging. Despite the fact that he has been living in the United States for decades, English remains his 2nd language.

“Communications can be misconstrued and well intentioned words can be misinterpreted. The present situation is one such glaring example of what might actually have been said, (no pun intended), and what may have been taken out of context,” explanation nito sa isang sulat.

Oo nga naman. Old na ang 88 at hindi na rin nga siguro accurate ang memorya.

Lovi, laging handa

Bibida si Lovi Poe, ang beauty ambassador at endorser ng Ready Set Glow, sa gagana­ping Mega BeautyCon ngayong Linggo, Disyembre 4, sa Palm Drive Activity Center sa Glorietta 2.

Manggagaling si Lovi sa Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To, kung saan nangako siya ng another jaw dropping performance.

Kaya sa mga gustong makapanood, huwag palampasin ang chance na ito na makita ang Kapamilya actress kung saan personal na magkukuwento si Lovi tungkol sa kanyang tips at sikreto ng kanyang iconic beauty at bilang award-winning actress.

Hindi lihim na naging avid fan si Lovi ng nasabing brand ng Cosmetics. “Wearing them makes me feel strong, independent and beautiful,” confesses Lovi. “It’s a perfect fit with me,” aniya pa.

Recently ay nakikita natin ang mga post ni Lovi na laging handa sa kanyang various appearances and performances na gamit pala ang nasabing beauty products.

Favorite niya aniya ang multi-use Face Tint na puwedeng i-apply sa eyes, face, and lips.

Indeed, sabi nga ni Lovi, Ready Set Glow has a lot of products that are convenient, multi-use (use it on your eyes, lips, face and body!), and can be easily stashed in your make up kits.

Check out their Badass Eye Shimmers, Face Mist, and Lip Stain – which Lovi all used in her most recent shoot with the Ready Set Glow team.

Catch Lovi Poe in the flesh sa special segment for Ready Set Glow on Dec. 4 at the Glorietta in Makati!

Kitakits.

Bong, na-excite sa silver play button

Wow vlogger na vlogger na rin si Sen. Bong Revilla Jr.

Natanggap na ng aktor / pulitiko ang kanyang YouTube Silver Play Buttton.

Actually, parang naantala pa nga raw ang naturang Silver Play dahil halos dalawang taon na ang nakalipas nang magkaroon ito ng 100K subscribers.

Sa ngayon, 264K plus na ang subscri­bers niya at dumarami pa.

“Matagal ko na itong hinihintay, pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag hawak mo na ‘yung kahon, unti-unti nang binubuksan hanggang mahawakan ko na ‘yung Silver Play Button.

“Taus-puso ang pasasalamat ko sa lahat ng subscribers na nakatutok palagi sa akin... maraming salamat sa inyong lahat,” nakangiting pahayag ni Sen. Bong.

Dahil dito, tiniyak niyang mas marami pang sorpresa ang kanyang ihahanda sa kanyang channel sa mga darating na araw (https://www.youtube.com/@BongRevillajrph).

“Join na sa ating Road to 1 Million Subscribers para sa YouTube Gold Play Button!” nakatawang banggit  ng tsinitong Senador.

Samantala, aligaga ngayon si Bongga sa kanyang Amazing Pamasko ni Pogi sa Disyembre 17 at 18, Sabado at Linggo, 4 ng hapon.

Aabot daw kasi sa P1M ang ipamamahagi, 2 kotseng Suzuki S-Presso, 5 motorsiklo.

At 1000 kalahok daw ang mananalo ng tig-P1,000 at marami pang sorpresa at cash prizes dagdag niyang chika.

 Para makasali sa #AmazingPamaskoNiPogi, siguruhing naka-follow at subscribe sa kanyang Official Facebook Page, YouTube Channel, Instagram, at TikTok account na isa sa mga requirement sa pagsali sa raffle.

vuukle comment

JINKEE PACQUIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with