^

Pang Movies

Michelle Aldana, balik na sa mommy duties

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Michelle Aldana, balik na sa mommy duties
Michelle

Ang bongga naman ng ‘90s beauty queen na si Michelle Aldana. Matapos nga nitong mag-stay sa Pilipinas ng ilang buwan, bumalik na ito sa kanyang tahanan sa South Africa.

Habang nandito siya ay ginawa niya ang ongoing GMA Afternoon Prime series na Nakarehas na Puso kasama sina Jean Garcia at Leandro Baldemor.

Sumikat siya noon nang manalo siya sa Miss Asia Pacific at pinasok ang showbiz kung saan tinambal siya kina Fernando Poe, Jr., Albert Martinez at Gary Estrada. At nahanap ang pangalawang tahanan sa South Africa kasama ang kanyang pangalawang asawa at mga anak.

Lutang ang saya ni Michelle sa kanyang post kung saan kasama na niya ang kanyang mga anak. Siguradong na-miss niya ang mga ito at na-miss din siya ng mga ito. Back to mommy duties na siya. Bongga.

Mga mas batang pulitiko, agresibo sa pagbabago

Grabe, ako na ang happy sa text ni Usec. Honey Rose Mercado.

Alam mo naman na loyalista ako ng Marcos family ever since. Hindi problema kung ano ang political side ng friends ko basta ako lagi kong sinasabi na Marcos ako. At tuwang-tuwa ako na isa sa mga nasa puwesto si Usec. Honey Rose na very nice at madaling kausap. Isang malaking asset sa gobyerno at sa office na pinaglagyan sa kanya.

Hindi ako mahilig na makita kasama ng mga idol kong pulitiko. I admire them from afar. Natutuwa ako na sina Vilma Santos, Richard Gomez, Lucy Torres at Bong Revilla ay nasa same political side, o ‘yung supportive sila sa isa’t isa. At least lahat sila talagang idol ko.

Bongga ang mga young blood na tulad nila, aggressive sa mga pagbabago.

vuukle comment

MICHELLE ALDANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with