^

Pang Movies

Jane, na-dengue!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jane, na-dengue!            
Jane

Nagpositibo sa dengue ang bida ng Mars Ravelo’s Darna na si Jane de Leon. Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram post.

Sa kanyang post ay humingi ng paumanhin si Jane kung hindi siya masyadong active ngayon dahil nga may sakit siya. Bukod sa dengue ay may UTI (urinary tract infection) pa raw siya.

“Hi everyone! Sorry if I’m not active lately. I’m still sick. I was tested positive with dengue and UTI. I won’t be able to reply but I promise to see you guys soon. Thank you for all the prayers,” De Leon wrote on her Instagram page.

Nakapag-celebrate pa ng kanyang 24th birthday si Jane last week bago siya nagkasakit. Ipinost pa niya sa kanyang IG ang ilang mga kuha mula sa kanyang bonggang party at nagpasalamat sa lahat ng mga dumalo gayundin sa lahat ng blessings na dumating sa buhay niya.

“My night with family and friends was filled with fun and surprises. My heart is overwhelmed because of these beautiful souls celebrating with me. I love you guys!  So thankful to the many blessings God has given me. To the people who showed me their love and support all these years and made me who I am today, I love you!  Looking forward to more opportunities and blessings in the years ahead 

“Lastly, the people behind the event, despite the lack of time and busy schedules you were still able to make my special celebration a success. THANK YOU!” ang birthday message ni Jane na ipinost last week.

Zeinab, kukunin ni Willie sa ALLTV?!

Sa guesting ni Zeinab Harake sa Wowowin kamakailan ay pinayuhan siya ng host na si Willie Revillame na huwag nang makipag-away.

“Huwag ka nang makipag-away, ha? Sayang, eh, ang ganda ng career mo,” payo ni Willie.

Matatandaang nasangkot si Zeinab kamakailan sa controversy kung saan ay ini-reveal ng talent manager na si Wilbert Tolentino ang mga resibo na nagpapakita ng hindi magagandang nasabi niya sa mga kapwa vloggers and celebrities.

Sa nasabing episode ay huminging muli ng tawad si Zeinab sa lahat ng nagawa at nasangkot sa issue.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng taong naniniwala pa rin sa kanya sa kabila ng kanyang mga maling nagawa. Aniya ay gagawin niya ang lahat para bumalik ang tiwala sa kanya ng mga tao.

Nagpahaging naman si Willie na gusto niyang kunin si Zeinab sa Wowowin at sa AllTV network.

“Sana, you will be part of the show in the future. Ma­ging part ka ng Wowowin, maging part ka ng AllTV. Malay mo, ‘di ba? Bibigyan ka ng isang magandang tele- ­serye dito in the future,” sabi ni Willie kay Zeinab.

“Can you act? Pwede ka bang umarte?” tanong pa ng TV host sa kanyang guest.

Sagot naman ni Zeinab, “opo, umaarte naman ako kaya lang po ngayon, hindi ko pa nasusubukan uli. Before po, nung mga dalaga-dalaga pa ako. Pero ngayon po, malalaman.

“Kaya po kailangan nating aralin lahat. Tapos, ‘pag tingin natin na kaya na natin at hindi naman tayo mapapahiya, saka po natin gawin. Para hindi po nakikita ng tao na napipilitan siya.”

Ayon kay Zeinab, ayaw raw niyang mapahiya kung hindi niya kaya.

Sey naman ni Willie, puwedeng-puwede raw host si Zeinab dahil bukod sa maganda ay spontaneous pa raw.

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with