^

Pang Movies

Boy toy ng sikat na female personality, binigyan ng apat na personal bodyguard!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Totoo kayang may apat na personal bodyguard ang boy toy ng isang famous personality?

Idea raw ito ni female famous personality para masiguro lang na safe lagi ang kanyang boy toy kumbaga na meron din namang ibang karelasyon.

Bongga, kung totoo ito dahil hindi naman talaga kaguwapuhan sa totoong buhay ang lalaking ‘yun, literal na dakila siya.

Boy Abunda, sa MET unang ‘nakatikim’

“You have to indulge me here a little bit. Alam ninyo po, mga kaibigan, sa backstage, dito po ako nag-umpisa sa teatrong ‘to. Mara­ming salamat to EDDYs and to SPEED for bringing me back here,” simula ni Kuya Boy Abunda nang mag-trip down memory lane ang King of Talk sa ginanap na The 5th EDDYs ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) na ginanap sa Metropolitan Theater (MET) last Sunday.

Kakaunti ang nakakaalam na hindi talaga agad TV host si Kuya Boy nang mag-umpisa sa showbiz.

“Sabi sa akin nu’ng mga bata, ‘Ano ho ang inyong trabaho dito nu’ng kayo ay nag-uumpisa sa MET?’ Sabi ko, ‘I was a production assistant. I’m familiar with this stage as backstage. I used to fix costumes. I used to clean this very stage which I’m stan­ding on tonight. So, maraming-maraming salamat. And, welcome to the Theater.

“Kanina, nu’ng the voice over was asking the audience to stand for the Philippine National Anthem, trabaho ko po ‘yun, ‘Ladies and gentlemen, please rise for the Philippine National Anthem.

“Today, I’m back. Tonight, I’m back. For the 5th EDDYs.

“Baon ko pa rin po ang aking pusong-production assistant. I’ll always be a PA by heart.

“Pero ako’y natutuwa na tayo’y magkakasama and I’m in a familiar place with familiar faces,” na pinalakpakan ng mga dumalo sa 5th EDDYS.

Hanggang nabanggit niya kung paano sila nagkakilala ng presidente ngayon ng SPEED na si Eugene Asis ng People’s Journal.

Nagbiro rin siyang nawala ang viriginity niya sa balcony ng MET.

“We’re being streamed. We’re not on free TV, so I lost my virginity in the balcony. That’s a joke! Hahaha!”

Pagdating sa pagho-host, masa­sabi talagang walang makakapantay sa galing ng isang Boy Abunda.

Walang kahit anong talent fee na tinanggap si Kuya Boy nang mag-host siya sa 5th EDDYS.

GF ni Sandro, Franki, AC head turner sa EDDYS

Speaking of 5th EDDYS, head turner nung gabing ‘yung sina Alexa Miro (sinasabing girlfriend ni Cong. Sandro Marcos), Frankie Russell (na rumored girlfriend ni Diego Loyzaga) and Sparkle star AC Martinez.

Ang cute naman ng ‘magka-loveteam’ na sina Kokoy de Santos and Elijah Canlas na sumikat sa BL series na Game Boys na obvious na napanood ni tito Boy dahil nag-joke pa siya na sila ang nagpa-init sa ‘lockdown.’

Ang Fire & Ice ng mag-asawang Ice Sequerra at Liza Diño ang partner ng The 5th EDDYS.

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with