^

Pang Movies

Ruru, gusto ring maging military reservist

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ruru, gusto ring maging military reservist

Ang bongga ni Ruru Madrid dahil naka-dalawang beses itong naging cover sa buwan na ito.

Ang gwapo ng Kapuso sa actor sa nilabas ng cover photos sa Instagram account ng magazine na nakasuot ng iba’t ibang outfit.

Ikinuwento ng magazine kung paano nag-evolve ang aktor noong mag-lockdown dahil sa pandemic kung saan marami ang nabakante sa trabaho.

Sa isa namang magazine ay kinuwento ni Ruru ang mga childhood dream niya at mga pagsubok na pinagdaanan niya sa kanyang showbiz career.

At may plano pala itong maging military reservist gaya ng ibang celebrity.

Masasabing bumongga talaga ang career ng aktor pagkatapos ng nanguna nitong primetime show na Lolong na posibleng magkaroon pa ng season 2. 

December, kinasasabikan...

December na at biglang na-miss ko ang pagiging busy noon ng showbiz dahil sa Metro Manila Film Festival.

Iyon talagang halos lahat sa showbiz excited at parang isang fiesta para sa lahat.

Nakaka-miss din ang Love Box ni Gretchen Barretto na talagang naging malaking surprise sa lahat dahil pati ang pinaka-lowest na member ng industriya nakatanggap ng regalo ni Gretchen na wala pang nakagawa kahit sino sa showbiz noong nakaraang Pasko.

December is the most festive month kahit pa nga meron ding festival ‘pag June. Ito ang pinakahihintay ng lahat, isang magandang year-ender para sa mga artista at lahat ng miyembro ng showbiz.

How sad na iba na ang mga nangyayari ngayon kaya iba na rin ang feeling ng lahat sa showbiz. Parang isang ordinaryong buwan na lang ang December. Wala na ‘yung hustle and bustle. Wala na ‘yung sobrang excitement. Wala na ‘yung pila sa office ni Mother Lily Monteverde. ‘Yung malalaking stars na busy dahil kasali sa festival. Hay, nakakamiss talaga.

RURU MADRID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with