^

Pang Movies

Alfred, mas ganadong tumulong sa natanggap na IVR Award   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alfred, mas ganadong tumulong sa natanggap na IVR Award            

Isang malaking karangalan para kay Alfred Vargas ang tinanggap niyang Isah V. Red (IVR) award sa katatapos lamang na 5th The Eddy’s Awards Night ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).

Ang Isah V. Red Award ay isang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng SPEEd na si Isah V. Red.

“This recognition is given to individuals like him — a dynamic and spirited renaissance man with a deep love for God, country and community — who beyond the realm of entertainment has so enriched and made a difference in the lives of many, in his most colorful, gregarious and inimitable way,” ayon sa SPEEd president na si Eugene Asis.

The IVR (Isah V Red) awardee is given to personalities and organization to honor their humanitarian efforts toward alleviating the conditions of people adversely affected by the COVID-19 pandemic.

At isa si Alfred sa celebrities na talaga namang napakaraming naitulong hindi lang sa constituents sa 5th District kundi maging sa mga taga-showbiz nitong pandemic.

Pero hindi raw niya inaasahan na mapapansin ng SPEEd ang mga ginawa niya nitong pandemic.

“Totally unexpected ang IVR Award na ito,” sey niya.

“Tuwing tumutulong ako, wala naman tayong ine-expect na kapalit. Turo sakin ng nanay ko, helping others is its own reward. Totoo naman. Napakasarap ng pakiramdam kapag nakaktulong ka sa tao ‘di ba?

“Kaya ako siguro nilagay ni Lord dito sa public service para mas marami pa tayong matulungan along the way.

“Turo sa school noong bata pa ako: “to give and not to count the cost… to labor and ask not for reward,” pahayag pa ni Alfred.

“Basta big honor for me ang award. Mas ganado pa ‘ko ngayon na lalong paigtingin ang mga projects sa distrito because of this award.

“Nagulat ako coz kasama kong awardees ay no less than Kris Aquino, Gretchen Barretto, Kapuso Foundation and ABS-CBN Foundation. Wow!! It’s such an honor! Thank you!,” he said.

At sobrang na-touch din siya nang ipakita na raw ang mga yumaong kasamahan sa hanapbuhay nitong pandemic.

“And grabe ah, naiyak ako sa tribute part kagabi lalo na when i saw Ricky Lo, Ricky Calderon, Shalala,” aniya.

Samantala, excited din si Alfred dahil ngayong 2023 ay babalik na siya sa paggawa ng pelikula.

“Balik-pelikula ako sa 2023 and I’m very excited about this. I’ll do at least one film next year and kung swertehin, baka 3 pa. I even got more inspired last night seeing the likes of Kuya Ipe (Phillip Salvador), Alma Moreno, Roi Vinzon.

“They dedicate their lives and careers for the love of Philippine cinema. Ang dami nilang nagawa. Nakakabilib ang body of work nila. I hope one day magaya ko sila. Lalo ang sarap mahalin ng industriya because of great examples like them,” saad ni Alfred.

Claudine, inoperahan sa hita

Naoperahan pala sa kanyang hita si Claudine Barretto base na rin sa kanyang Instagram post.

“Good morning everybody, it’s already almost 5am. I’m here at St. Luke’s Global to have my operation sa thigh ko. The operation will be at 7am. Wish me luck, pray for me, thank you,” ang pagbabalita ni Claudine sa video na ipinost niya last Monday.

Hindi na idinetalye pa ni Claudine kung bakit siya naoperahan.

Sa comment section ay dumagsa naman ang prayers and wishes para sa kanyang mabilis na paggaling.

ALFRED VARGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with