^

Pang Movies

Ate Vi, sumabak agad noon sa limang pelikula  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, sumabak agad noon sa limang pelikula             
Ate Vi

Noong isang araw, nakakuwentuhan namin ang isang kaibigan at ewan nga ba kung bakit ang naging kuwentuhan ay kung papaano nga ba sinimulan ng Star for all Seasons na si Vilma Santos ang kanyang 60 taong career.

Nagbalik naman sa aming alaala ang mga kuwentuhan noong araw. Ang kuwento sa amin ni Mama Santos, kinumbinsi siya ng pinsan niyang cinematographer noon sa Sampaguita Pictures na dalhin sa audition si Ate Vi ng isang pelikula. Dinala naman niya si Ate Vi, pero hindi raw sila umaasa dahil ang daming batang nag-audition din noon. Pero iyon nga matapos ang ilang araw, tinawagan sila at sinabing si Ate Vi ang nakuha sa pelikulang Anak ang iyong Ina, kasama sina Gloria Romero at Mario Montenegro.

Nagsimula na sila ng shooting. Habang nagsi-shooting sila, nagkaroon na naman ng audition para sa isang child actress, bida at title role pa, ang Trudis Liit. Eh sa loob daw ng ilang araw pa lang shooting, nakita na ng director na si Mar S. Torres ang potentials ni Ate Vi. Kinumbinsi na naman si mama na dalhin si Ate Vi sa kabilang studio lang, sa Sampaguita rin para mag-audition sandali.

Noong makita ng director na si Jose de Villa si Ate Vi sa pila, tinawag siya. Dinala siya sa isang sulok, tapos pinakanta, pinasayaw at pinaiyak. Eh nagawang lahat noong bata, kaya nagdesisyon si Jose de Villa, na kung tawagin namin noong araw ay Tito Baleng, na si Ate Vi ang kunin sa Trudis Liit.

Natatandaan pa namin ang kuwento, noong una raw ay ayaw ni Doc Perez, kasi baka maguluhan iyong bata sa dalawang pelikula. Pero ang dalawang director ang nagsabi sa kanyang kaya nito.

Unang naipalabas sa mga sinehan ang Trudis Liit, noong Feb. 23,1963. Naging malaking hit iyon at pinilahan sa Life Theater, at sa kanyang unang pelikula, nanalo si Ate Vi ng best child actress award.

Iyong ikalawa niyang pelikula, iyong Anak ang Iyong Ina, ay inilabas naman noong Abril ng 1963 rin, at naging isa ring malaking hit.

Sa kanyang unang taon noong 1963, si Ate Vi ay nakagawa ng limang pelikula agad. Kinuha siya ulit ni direk Mar S. Torres para sa isang comedy kasama sina Dolphy at Chichay Jose Mari at Liberty Ilagan, ang King and Queen for a Day.

Tapos dalawang magkasunod na pelikula ni direk Jose Miranda Cruz ang kanyang ginawa. Nag-lagare siya sa shooting ng Duelo sa Sapang Bato at Aninong Bakal.

Iyong siyam na taong gulang na bata na nagsimula lang din noon, nakalimang pelikula agad.

Dalawa female stars, OPD sa panganganak

“Oo, uso na iyon lalo na sa celebrities o models na nanganganak at gustong itago ang pagkakaroon ng baby na nanganganak nang OPD (outpatient department) lang,” sabi ng isang kaibigan naming OB-Gyne, dahil sinabi niyang hindi naman delikado talaga iyon.

Ayaw naman niyang sabihin kung nakapag-handle na siya nang ganoong kaso, basta alam daw niya na may mga gumagawa ng ganoon.

Iyon namang mga pasyente na gusto ang ganoon, kailangang pumirma ng waiver na sila ang may pananagutan sa sarili nila at sa anak nila oras na ilabas nila ng ospital.

Talaga palang nangyayari ang ganoon. Ang narinig namin dalawang female stars na ang nag-outpatient sa panganganak.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with