^

Pang Movies

Billy at Coleen, sa France na titira?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Billy at Coleen, sa France na titira?!
Billy at Coleen

Posible palang sa France na manirahan ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia. Nabanggit ni Billy kay Dra. Vicki Belo na napag-usapan nilang mag-asawa kung mag-i-stay ba sila sa France o uuwi sa Pilipinas. Ang napagdesisyunan nila, kung saan may mas magandang opportunity para sa kanila ay doon sila.

Si Coleen ay bumalik para mag-promote ng Vivamax movie niyang Kaluskos, pero sa latest post nito, bumalik sila sa France ng anak na si Amari, kaya reunited silang mag-anak.

Sa nasabi ring interview ni Dra. Vicki, naikuwento ni Billy ang nangyari sa kanya habang nasa competition siya ng Dancing with the Stars. Nagkaroon siya ng leg injury resulta nang ma-over-extend niya ang kanyang paa sa rehearsal. Hindi raw siya makatayo nang maayos at kinailangan pang dumaan siya sa MRI.

Pero, kahit may leg injury, hataw pa rin si Billy sa finale ng dance competition at sila nga ng dance partner niyang si Fauve Hautot ang nanalo.

Paano pa kaya kung wala siyang leg injury?

Celebrity na celebrity na uli sa France si Billy. Dumalo siya sa NRJ Music Award at isa siya sa na-feature sa Instagram account ng music awards.

Karen, babawi kay Korina

Pinag-usapan ng netizens ang interview ni Korina Sanchez kay Karen Davila dahil sa inamin ni Karen na hindi sila magkaibigan noong pareho silang nasa ABS-CBN pa.

Matindi raw ang naging kumpetisyon sa network noon at isa siguro ‘yun sa pumigil para sila ay maging magkaibigan.

Ang magandang balita ni Karen, mai-interview naman niya si Korina, inaayos na nila ang kanilang schedule para magtugma at siya naman ang mag-interview kay Korina. Siguradong aabangan ng netizens ang muling paghaharap ng dalawang K at magiging meaty uli ang kanilang paghaharap.

Sa interview sa kanya ni Korina, “in God’s perfect time” ang itinawag ni Karen at sino nga naman ang mag-aakalang mangyayari ‘yun kung kailan wala na sila pareho sa ABS-CBN at nangyari after 22 years.

Samantala, 52nd birthday ni Karen noong Nov. 21, isa sa magandang birthday gift sa kanya sa kanyang kaarawan ay ang paggaling sa COVID-19, her second time na magka-COVID. Winelcome raw niya ang ilang araw na siya’y may sakit, “it gave me time alone, a week of pause, a break from daily life & the peace of having not to rush.”

AJ, ‘di pa rin tinatantanan sa panganganak

Nakakatawang basahin ang comments sa post ni AJ Raval na nagpalinis ng kanyang crib sa Busy Bee Cleaning Co. at may caption na “Taking care of yourself means taking care of your environment.”

Full body ang photo na pinost ni AJ kasama ang cleaners ng cleaning company at two days after lumabas ang balitang nagsilang siya ng baby at baby nila ni Aljur Abrenica raw ‘yun.

Comment ng isa, “Tama ‘yan para pagdating ni baby malinis ang bahay.” May nag-comment pang “Nung buntis pa hindi nagpopost, after manganak nagpost na.” May humirit ng “Congrats sa new baby mo,” “Ganda pa rin ni Mommy,” “Bawal mabinat” at “Naghahanda na sila pagdating ng newborn baby ni AJ at Aljur Abrenica kaya nagdi-disinfect sila naglilinis ng buong bahay.”

Mabuti at sanay na si AJ sa ganitong comments, kaya hindi na apektado. May mga comment pa nga na grabe ang mga sinabi kay AJ, pero hindi nito dine-delete at nababasa ng mga bumibisita sa Instagram account niya.

BILLY CRAWFORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with