^

Pang Movies

Jake, never nagduda sa pagkalalaki!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jake, never nagduda sa pagkalalaki!                  
Jake

Ayon kay Jake Cuenca, kaylanman ay hindi siya nagduda sa kanyang sexuality just because he’s doing gay roles tulad nga ng papel niya ngayon sa Metro Manila Film Festival 2022 movie niyang ‘My Father, Myself.’

“To be very honest with you, I’ve always been confident with my sexuality,” pahayag ni Jake sa presscon ng nasabing movie.

“Kaya rin po ako walang takot na tumatanggap ng ganitong project kasi I don’t really question myself or my sexuality,” he said.

Bilang isang aktor, siyempre raw ay kailangang maging professional ka at gampanan mo nang maayos ang hinihingi sa iyong karakter. At nagpapasalamat daw siya na may mga ganitong project na talagang sumusubok sa versatility niya as an actor.

Samantala, zero raw ang love life ngayon ni Jake after his break-up with Kylie Verzosa. Aniya ay hindi pa raw siya ready na pumasok ulit sa isang relasyon.

“Ngayon po, eh ano lang talaga, ‘yung focus ko ay nasa career, nasa goals. Siyempre 3 years ang nawala, 3 years tayong nagpahinga, 3 years tayong nanahimik.

“So, right now, tulad ng sabi ko kanina, I do feel na parang may na-realize ako na potential ko at gusto kong i-exercise ‘yan ngayon. Kaya naman ‘eto ‘yung mga projects na tinatanggap ko. Hinahanap ko ‘yung mahihirap at challenging talaga. Kasi nga, gusto kong i-challenge ang sarili ko.

“Three years akong parang feeling ko, napahinga, so, parang ngayon, gusto kong mag-teatro, gusto kong gumawa ng pelikula, gusto kong mag-TV, gusto kong mag-stream, gusto kong gawin lahat,” aniya. 

Magkakapatid, na-excite sa hubaran

 Proud na proud sina Angela Morena at Stephanie Raz sa kanilang nakababatang kapatid na si Micaella Raz dahil finally ay nabigyan din ito ng chance na magbida sa pelikula.

Si Micaella ang bida sa Vivamax Original Movie na Bata Pa Si Sabel at kasama rin niya ang dalawa niyang ate sa pelikula.

First time nilang tatlo na magkakasama sa isang movie at sey ni Lara, na-excite raw siya agad nang unang sabihin sa kanya ang tungkol sa project.

Sey naman ni Stephanie, sobrang proud daw siya talaga kay Mica sa movie at sa sobrang pagka-proud ay napaiyak pa raw siya habang pinapanood ang movie.

Habang ginagawa nga raw nila ang pelikula ay talagang ipinakita rin nila ang suporta kay Mica at lagi nilang inaalalayan sa mga eksena. 

Isa sa kaabang-abang sa movie ay ang pagkakabugan ng 3 magkakapatid sa hubaran and intimate scenes. Pero siyempre, wala raw silang kumpetisyon at sa halip nga ay nagsusuportahan pa sila.

Kasama rin sa pelikula sina Benz Sangalang, Chad Solano, Rash Flores  JC Tan at ang mga seasoned actors na sina Gardo Versoza and Julia Diaz, available na sa Vivamax ngayong Dec. 2 ang Bata Pa Si Sabel.

JAKE CUENCA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with