^

Pang Movies

Ibang hacker, pinagdududahang industry insider din

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Celebrites, movie and TV workers ang sunud-sunod  na naha-hack ang kanilang Facebook account.

Hinala tuloy ng ilan, industry insider din ang hacker, huh! Mas malala raw ang hacking kasing ginawa sa isang award-winning actress na hindi pa rin maka-recover sa hacking sa kanyang account.

May advantages at disadvantages ang pagiging aktibo sa social media. Pero sa sitwasyon ngayon, tripling pag-iingat ang kailangang gawin dahil hindi natin kilala kung sino ang hackers at nagiging sindikato na ‘to, huh!

SPEEd tagumpay sa pagbibigay ng award...

Congratulations sa SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors sa tagumpay nilang The Eddys last Sunday para sa kanilang EDDYS Awards.

Biggest winner ang pelikulang On The Job: The Missing 8 kung saan nanalo bilang best director si Erik Matti.

Natuwa sa resulta ang lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso dahil nakapag-uwi ng Eddys trophy ang movies na Big Night at Kung Maupay It Man Panahon... gaya ni Christian Bables (Best Actor para sa Big Night) at Charo Santos na best actress winner sa Kung Maupay...

Bahagi na ng movie industry ang award-giving bodies na kumikilala sa mga natatanging pelikula at pagganap.

Sana nga lang ay mahimok ang manonood upang bumalik sa sinehan at tangkilikin ang pelikulang Pinoy lalo na ngayong darating na Metro Manila Film Festival!

Again, congratulations sa lahat ng entertainment editors na bumubuo ng SPEEd dahil sa pagpili ng winners na karapat-dapat!

CHARO SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with