^

Pang Movies

Winners ng Eddys may kredibilidad; Divina Valencia sobra pa sa pagiging icon!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Winners ng Eddys may kredibilidad; Divina Valencia sobra pa sa pagiging icon!             
Divina

“Safe and uncompromising,” ang nasabi ng isang kritiko na kasama naming nanonood ng The 5th Eddys noong Linggo ng gabi sa pamamagitan ng  live streaming.

Pabor kami sa comment na iyon. Sino ba naman ang kukwestiyon kung sabihin mong “best actress” si Charo Santos? Sabihin nga ninyo kung sino sa industriya ang makaka-kwestiyon sa ganyang choice.

Nag-announce nga si Charo na sa buwang ito, matatapos na ang kanyang anthology na Maalaala mo Kaya matapos ang 30 taon. Nagretiro na rin siya bilang top executive ng ABS-CBN noong bago pa ito nawalan ng franchise.

At napakagandang move nga iyang gumawa siya ng ganyang pelikula na nagpanalo sa kanya ng best actress award ng ilang beses na nga ba?

Idineklara naman nilang best picture ang On The Job : The Missing 8, at best director naman si Erik Matti para rin sa nasabing pelikula.

Sino naman ang makakakuwestiyon diyan samantalang lumalaban na iyan sa mga international award giving body.

Kaya nga sinasabi nila na ang naging desisyon ng Eddys ay beyond question. Hindi sila iyong pagtataasan mo ng kilay habang tinatanong mo kung bakit. Hindi sila magiging dahilan para may mag-isip na namang magbigay ng panibagong awards. Hindi naman kasi sila mga “amateur” eh.

Magaling na host talaga si Boy Abunda. Maraming mga “kj” na tumanggap ng awards pero hindi naman dumating para tanggapin iyon, pero nangyayari naman iyan kahit na saan. Hindi rin naman kami interesado sa show nila, ang mahalaga maganda ang resultang nailabas ng samahan ng legit entertainment editors.

Samantala, sabihin mo mang dumating ang lahat ng mga icon awardees nila sa Eddys, palagay namin lulutang pa rin si Divina Valencia. Nagulat pa kami, nang kantahin niya ang isang spoof song ng Hard Days Night ng Beatles, na siyempre kasali siya. Pero sa totoo lang, wala pa naman kaming napanood na pelikula ni Divina Valencia na nag-burles siya.

Noong araw, ang makikita lamang ninyo sa pelikula ay papasok sila sa isang kuwarto na may ilaw, at maaaninag ninyo sa anino na sila ay naghuhubad o nagbibihis, pero walang kagaya ngayon na nakabuyangyang na ang private parts.

Maski naman doon sa palabas mismong burles, walang hubaran.

Kung natatandaan ninyo ang pelikula noon ni Vilma Santos na Burles Queen, ganoon lang, walang naghuhubad. May mas malalaswang panoorin na kung tawagin noong araw ay “toro-toro” o mga live show, na ginagawa sa mga pribadong bahay, at doon sa isang lumang sinehan sa Maynila na may ganoon palabas.

Pero dahil nga sa spoof song, iyong mga hindi umabot sa panahong iyon ay naniniwalang nagbuburles sina Divina at si Stella Suarez na nanay ni Mayor Richard Gomez. Pero hindi sila talaga naghuhubad. Mas matindi pa nga iyong nanay ng isang aktres, at nanay din ng isang actor, na naging mga “cage dan­cers” sa isang night club diyan  sa Roxas Boulevard noong araw, na ang may ari ay asawa rin noon ng isang aktres.

Natuwa kami at si Divina, na kung tawagin namin noon pa ay “Baby” ay nahirang ding isa sa mga icon ng Eddys. Matagal na namin siyang kilala at kaibigan. At alam namin na hindi lang siya isang magaling na aktres, mabait pa iyan sa tunay na buhay.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with