^

Pang Movies

Atasha, pasok sa pinakamayayamang Pinay sa buong mundo

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Atasha, pasok sa pinakamayayamang Pinay sa buong mundo
Atasha Muhlach

Wow nailabas na ulit ni Aga Muhlach ang husay niya sa pagsayaw.

Sa Paris pa, Le Bal des Debutantes.

Sa video ng Tatler Philippines, makikita si Aga na nagre-rehearse ng waltz para sa inaabangang pagbabalik ng Le Bal pagkatapos ng dalawang taon na hindi naganap dahil sa pandemya.

Ang daughter nina Aga at Charlene Muhlach na si Atasha, ang representative ng Pilipinas habang ang kanyang escort ay ang twin brother niyang si Andres sa nasabing event.

Kagabi lang ginanap sa Shangri-La Paris ang Le Bal.

Ayon sa website ng Le Bal, ang objective nito ay upang makalikom ng pondo for charities para sa young women kasama ang Seleni Institute and Enfants d’Asie, “a girls help-girls humanitarian association launched to promote women’s education in South-East Asia.”

Mga anak na babae ng mga elite, royal house, business mogul, at anak ng politicians mula sa buong mundo ang nakakatanggap daw ng exclusive invitation Le Bal des Débutantes sa Paris.

Ayon sa listahan ng preview.ph kasama sa nine young Filipinas na naimbitahan sa nasabing sosyalan ay sina Paloma Urquijo Zobel de Ayala, Natalia Zobel, Monica Urquijo Zobel, Emily Madrigal, Dominique Cojuangco, Monica Concepcion, Kayla Uytengsu, Rocio Zobel and Atasha.

Talagang mga old rich lang at kumbaga, pang-legit lang sa apelyido pa lang.

Hindi dito puwede ‘yung mga ‘gimikera’ sa social media para lang mapansin.

Anyway, dumating si Heart Evangelista sa Le Bal.

Sa Paris na naka-base sa kasalukuyan si Heart.

Parehong sa abroad nag-aaral sina Andres and Atasha.

ATASHA MUHLACH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with