^

Pang Movies

Heart of Asia, mala-modern fairytale ang bagong BL series

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Heart of Asia, mala-modern fairytale ang bagong BL series
Rainbow Prince

Ang bongga ng Heart of Asia Channel sa mo­dern fairytale nitong musical-inspired na boys’ love o BL series na Rainbow Prince.

Puno ng adventure ang love story ng dalawang batang lalaki na nagkainlaban. Bago ang gaya nitong palabas sa panlasa ng mga manonood na BL series na tungkol sa adventure, soul searching at true love, na musical-inspired at may 20 original songs pa ito. Talagang pinaghandaan ng Heart of Asia Channel ito para maiba naman ang napapanood ng viewers.

Pinagbibidahan ito nina Adrian Dionisio bilang Prince Zeyn/Art and Eurwin Canzana as Mikey Valencia at kasama rin dito sina Mel Martinez at Will Devaughn.

Tungkol ito sa isang prinsipe na nakatakdang pamunuan ang lugar na tinatawag na Zurbiana. Marami siyang haharaping pagsubok sa kanyang seksuwalidad at responsibilidad. Nang makatakas siya sa kasamaan ng kanyang tiyuhin, nagtago siya sa Pilipinas at doon nga nakilala ang binatang si Mikey na isang turista sa Maynila.

Haharapin ng prinsipe ang pinakamahirap na desisyon sa kanyang buhay. Kailangan nitong magdesisyon kung puso o tungkulin nito bilang future King ng Zurbiana. Ano nga kaya ang pipiliin nito? Tungkuling pamunuan ang isang nasyon o ang sinisigaw ng kanyang puso?

Nakaka-excite naman ang BL series na ito. Mukhang mahirap mamili sa dalawa lalo na kung ang kasiyahan mo ang nakataya.

Mukhang marami rin ang makaka-relate sa ganitong love story kung saan naiipit sila sa dalawang sitwasyon at kinakailangang mamili.

Malapit na itong ipalabas. Siguradong excited na din ang mga manonood dahil may panibagong panonoorin na naman ang mga ito. Nakaabang na sila kung ano ang pipiliin ng prinsipe. Modern fairytale talaga ito na tungkol sa isang prinsipe na mahuhulog sa isang ordinaryong tao.

May happy ending nga kaya ang dalawang binata? Bongga.

MOVIES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with