^

Pang Movies

Ogie at Regine, napagkamalang taga-5 na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Present sa trade launch ng TV5 ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na ginawa sa Sofitel Hotel a few days ago. Akala ng netizens, lumipat na sa TV5 sina Regine at Ogie, hanggang maalala nilang may partnership ang TV5 at ABS-CBN kung saan, nakakontrata ang Alcasid couple.

Saka, kung titingnan ang videos sa trade launch, present din sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Angel Aquino, Janice de Belen, Joel Torre, at John Arcilla. Si Ogie ang nagpakilala sa Kapamilya stars na present sa trade launch ng TV5.

Nasa trade event din ng Kapatid network si Maine Mendoza dahil sa show niyang Maine Goals. Kasama ni Maine ang co-host sa nasabing show.

Anyway, back to Regine, in-announce na nito ang kanyang post Valentine concert next year billed Solo. Four nights ang concert, mula Feb. 17, 18, 24 and 25 na gagawin sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati City. Makakabili na ng tickets simula Nov. 30. Si Paolo Valenciano ang director ng concert.

Tsinek namin ang tickets prices at ang pinakamahal ay P11, 200 sa SSVIP at may kasamang Meet and Greet. Ang pinakamura ay P2, 800 sa UB1 area.

Vin, pinalitan na si Aljur

Si Vin Abrenica na ang pumalit kay Aljur Abrenica sa GMA 7 dahil pagkatapos ng Lolong, mapapanood si Vin sa Mega Serye ng Kapuso network na Urduja’s Jewels na airing next year.

Paghahanda para sa nasabing serye ang pinost ni Vin na sparring nila ng former sis-in-law niyang si Kylie Padilla na isa sa mga bida ng Urduja’s Jewels.

Pinuri ni Vin si Kylie na mahusay pa rin daw gumalaw, kaya siguradong hindi madi-disappoint ang mga nag-aabang na muli siyang mapanood sa isang action series. At comment nga ng netizens, kahit may dalawang anak, hindi pa rin nawala ang husay ni Kylie.

Tanong naman ng isang netizen, hindi na raw ba makababalik sa GMA si Aljur? Hindi na ba siya mapapatawad ng network at kunin uli?

Anne, may sagot agad sa bashers ng anak

Priceless ang smile ni Dahlia Heussaff habang nagpapa-manicure kasama ang mom niyang si Anne Curtis. Sabay na nagpa-manicure ang mag-ina, pero iba ang dating ni Dahlia habang nilalagyan ng nail polish.

Iyong ngiti ng bagets, hindi mo alam kung kininilig, o nakikiliti at swak ang caption ni Anne na “Look at that smile.” Inunahan na rin ni Anne ang mga magko-comment na hindi pabor sa mga bata na nagpapa-manicure. Child-friendy nail polish ang ginamit kay Dahlia na dala niya mismo.

May Instagram si Dahlia na aliw bisitahin at isa sa video na napanood namin ay kumakain siya ng chicken feet. Ang tanong niya sa dad niyang si Erwan Heussaff ay kung kamay raw ba ng chicken ang kanyang kinakain.

MJ, pinagmalaking afford maging retokada

Supalpal ang basher sa sagot ni MJ Lastimosa sa pagtawag sa kanyang “retokada” at comment na “Parehas retokada? [LOL]” na ang tinutukoy bukod kay MJ ay si Miss Earth 2022 Indira Perez Meneses sa Facebook video na pinost ni MJ.

Sagot ni MJ, “Yes I can afford,” at sinamahan ng winking emoji. Hindi na nakasagot ang basher sa simpleng sagot at hirit ni MJ. Kasi naman, hindi naman dine-deny na dumaan siya sa enhancement para mas gumanda. Gusto lang mam-bash ng basher, nakatikim tuloy siya

OGIE ALCASID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with