^

Pang Movies

Erik, nagluluksa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Dinamayan agad si Erik Santos sa kanyang pagluluksa.

Namatay kahapon ang kanyang ina.

“She is finally home with Jesus.?

“I love you so much, Nanay,” ang post ni Erik kahapon tungkol sa inang si Angelita.

Siya ay 66 years old.

Nauna nang nag-post si Erik ng “Mahal na mahal na mahal kita, Nanay.”

Maaalalang nang mag-celebrate ng kanyang 40th birthday sa ASAP ang singer ay naging emosyonal ito at sinabing para sa ina ang hinihiling niyang birthday wish.

“If there’s one gift siguro that I would like to receive for my birthday this year, actually not for myself. I would like to ask for prayers for my mom for her complete healing. ‘Yung kantang ‘Wind Beneath My Wings’, ‘yun po ang kanta ko sa kanya. It’s been so challenging for the family for the past months and gusto kong maging masaya siya. So ‘pag napanood niya ‘to alam kong magiging masaya siya dahil ‘yung kantang ‘to and on my very special day. I would love to honor her and to say that I love you so much mommy,” emosyonal na paglalahad ni Erik.

Wala pang sinasabing dahilan ng pagpanaw ng ina pero ang sabi ay may cancer ito.

Mananalo sa EDDYS, pahulaan

Kanya-kanya nang hula ang fans at netizens kung sinu-sino ang magwawagi sa 5th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay magaganap ngayong Nov. 27 sa Metropolitan Theater (MET) sa direksyon ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra.

Magsisilbing host naman ng pinakaaabangang awards night ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda.

Bukod sa announcement ng pinakamagagaling sa larangan ng paggawa ng pelikula noong 2021, kailangang abangan din sa ikalimang edisyon ng The EDDYS ang inihandang pasabog na performances nina Ice Seguerra, Jonalyn Viray, Zephanie at Regine Tolentino kasama ang Dance Royalties.

Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado  sa iba’t ibang kategorya ng 5th The EDDYS.

Maglalaban-laban para sa Best Film ang Arisaka (Ten17 Productions), Big Night, (IdeaFirst Company) Dito at Doon, (TBA Studios); Kun Maupay Man It Panahon (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment), at On The Job: The Missing 8 (Reality Entertainment).

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Erik Matti (On the Job: The Missing 8); Mikhail Red (Arisaka); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); at JP Habac (Dito at Doon).

Sa pagka-Best Actress category, magsasalpukan sina Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam); Maja Salvador (Arisaka); Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon); at Alessandra de Rossi (My Amanda).

Sino naman kaya ang tatanghaling pinakamagaling na aktor sa 5th The EDDYS mula sa mga nominadong sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8); Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda)?

Para sa Best Supporting Actress category, nominado sina Janice de Belen (Big Night); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night); Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas); at Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon).

Samantala, magpapatalbugan naman sina John Arcilla (Big Night); Mon Confiado (Arisaka); Christopher de Leon (On The Job: The Missing 8); Ricky Davao (Big Night); at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8) ang magtutunggali sa Best Supporting Actor category.

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay presented ng SPEEd at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with Globe at sa pakikipagtulungan ng Beautederm, NCCA at Metropolitan Theater.

Kabilang naman sa mga sponsor ang Nathan Studios, Cong. Arjo Atayde, Unilab at Tanduay.

ERIK SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with