^

Pang Movies

Kapuso stars, tambak ang sorpresa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kapuso stars, tambak ang sorpresa

Natanggap ng Kapuso fans ang kanilang maagang Christmas treat mula sa GMA Artist Center sa ginanap na Sparkle Fans Day.

Dumalo ang ibang brightest Sparkle stars noong weekend sa SM North Edsa Skydome para pasalamatan ang kanilang loyal fans at supporters.

Mukhang enjoy na enjoy ang mga tagahanga at pati ang Sparkle stars. Puno ng all-out performances at on-ground activities ang nasabing event na dinaluhan din ni Rabiya Mateo bilang isa sa hosts.

Sinorpresa rin ang fans ng fresh faces ng Sparkada. Hinarana rin ng Kapuso stars ang fans nang kantahin nila ang Christmas Station ID song na Love is Us this Christmas. Damang-dama rin ang Kapaskuhan sa Fans day nang kantahin nila ang Christmas in our Hearts.

Nagpakilig din ang real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, at love team na sina Ysabel Ortega and Miguel Tanfelix sa song numbers nila. Siguradong walang mapaglagyan ng kilig ang fans.

Ang ibang Sparkle stars ay dumalo din para personal na imbitahan ang kanilang mga tagasuporta sa kanilang upcoming show na gaya ng Underage at Voltes V: Legacy.

Grabe rin ang tuwa ng fans nina Sofia Pablo and Allen Ansay ng Team Jolly na talagang inabangan sila.  Hindi rin akalain ng mga tagahanga ni Shayne Sava ang sorpresa niyang powerful performance.

Hindi naman nagpahuli ang fan favorites na sina Andrea Torres, Sanya Lopez, Bianca Umali, Arra San Agustin, Ken Chan, and Jeric Gonzales dahil naghanda rin ang mga ito ng song and dance numbers.

Dahil nga Pasko na, kinantahan naman ni Zephanie ng Give Love on Christmas Day ang mga dumalo bilang pagtatapos ng Sparkle Fans Day.

Hindi lang ‘yon ang sorpresa ng Kapuso artists, dahil bukod sa star-studded event ay may pa-raffle rin ito para sa supporters. Sa tagal na walang physical contact, ito na ang biggest Sparkle Fans Day. Bongga.

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with