^

Pang Movies

Laplapan nina Jake at Sean, kasali sa Pasko!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Laplapan nina Jake at Sean, kasali sa Pasko!            
Sean at Jake

Nagulat ang entertainment press sa grand media conference ng Metro Manila Film Festival 2022 official entry My Father, Myself sa pagiging emosyonal ng bidang si Jake Cuenca.

Napaiyak ang aktor nang purihin ng press sa kanyang mahusay na pagganap sa nasabing pelikula matapos ipakita ang trailer sa mediacon. Sa trailer pa lang, kitang-kita na agad na napakalaki ng tsansa niyang magwaging Best Actor.

“Naririnig ko lang na sinasabi n’yo sa akin ‘yan, naririnig ko lang na pinupuri ako ni direk Joel (Lamangan, the director of the film), naririnig ko lang na pinupuri n’yo ‘ko, ang laking bagay na talaga sa ‘kin niyan,” sey ni Jake na nagsimula nang mapaiyak.

“Ano kasi, itong pelikulang ‘to, sa totoo lang, hindi pa ‘ko handa talagang magtrabaho pa, I wasn’t ready to work yet. Pero kasi, rather than shy away from it, rather than matakot, buong puso ko siyang tinanggap. And it’s exactly what I needed in my life at that time.

“So, for me, sa totoo lang, pagkatapos ng lahat ng nangyari nitong pandemya na ‘to, lahat ng pinagdaanan nating lahat, makarinig lang ako ng puri sa inyo, makita ko lang kayo, maka-face to face ko lang lahat ng tao, mapuri ako ni direk ng ganito, laking bagay na po sa akin ‘nun. Panalo na po ako du’n. So, maraming maraming salamat po,” patuloy ni Jake.

Obvious na may pinagdadaanan ang aktor at kahit hindi niya banggitin kung ano, alam naman nating lahat na kagagaling lang niya sa breakup with Kylie Verzosa. Matatandaang kinumpirma niya ang hiwalayan sa kanyang Instagram page nitong April this year at pagkatapos nu’n ay wala nang narinig pa sa aktor tungkol dito.

“Madami pong nangyari nitong pandemic. Pero hindi ko na iisa-isahin ‘yun. Hindi ko naman kayo iimbitahin sa aking pity party,” natatawa niyang sabi.

Inamin niyang maraming beses siyang umiyak dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay lately. Pero aniya ay kailangan niyang mag-move forward.

“Maraming beses po (na umiyak). Kasi everything came to me as a surprise. Pero sabi ko nga, at the end of it, nandito na ‘ko ngayon. I made a deal with God na I accept life in all its terms and conditions.

“Kumbaga, anything that comes my way now, I’m ready. I’m not gonna give up on my dreams, I’m never gonna stop and I’m gonna continue to move forward.

“So for me, even though I cried, it doesn’t mean I’m weak,” he said

Thankful ang aktor na dumating daw ang My Father, Myself sa panahong may pinagdadaanan siya at dito niya ibinuhos ang lahat ng hugot at sakit na kanyang nararamdaman.

Showing na sa Christmas Day, Dec. 25 ang My Father, Myself sa mga sinehan. Kasama rin sa movie sina Sean de Guzman, Dimples Romana at Tifanny Grey produced by Mentorque Productions and 3:16 Media Network.

Isa sa nagmarka sa trailer ng My Father, Myself ay ang torrid kissing scene nina Jake at Sean.

Aminado si Jake na sobrang na-impress siya kay Sean na kinaya ang ganito kadelikadong eksena kahit baguhan pa lang ito. In fact, sa buong mediacon ay paulit-ulit talaga ang papuri ni Jake kay Sean.

“I see so much potential, talagang tumatangkilik ako kay Sean. He’s made a fan out of me after this movie. Kasi talaga namang napaka-professional for an actor who just started, tapos ganito kahirap ‘yung mga eksena, I don’t know a lot of people who can do that right away.

“Kahit nga ako, eh. Kung first year ko nu’ng showbiz, tapos ganyan agad ang project. It’s so commendable,” papuri ni Jake kay Sean.

Dagdag pa niya, “ngayon pa lang, sasabihin ko, ang galing ni Sean sa pelikula talaga. I was very, very impressed with Sean here.”

Sa tingin daw niya ay malayo pa ang mararating ni Sean sa industriya. Sa ngayon ay nakikita raw niya ang pagka-raw at natural nito bilang baguhang artista.

“Pagka natutunan pa niya ‘yung technique, ‘pag nag-aral pa siya, more experience, I can only imagine what he can give 5 years from now,” pahayag pa ni Jake.

vuukle comment

JAKE CUENCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with