^

Pang Movies

Maggie, may rebelasyon tungkol sa taong ‘nagnakaw’ sa kanila!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Maggie, may rebelasyon tungkol sa taong ânagnakawâ sa kanila!
Maggie

Uy pagkatapos pag-usapan ang ‘gubat’ at ‘maliit na talong,’ sinabi ni Maggie Wilson sa post niya kahapon ang tungkol sa pagkakadiskubre sa tunay na kulay o pagkatao ng isang ‘she’ at umaasa siyang magigising na raw ‘ito’ sa katotohanan.

Walang banggit as usual kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang post o kung sino ang pinatutungkulan pero may idea na ang kanyang followers.

In a nutshell, natutuwa siya at nadiskubre na ‘nito’ ang katotohanan at umaasa siyang magigising na ‘ito’ sa kanilang katotohanan.

Aniya sa post : “Surprise, surprise, another one reveals its true colours. I’ve warned you about her for years. I tried to protect you but instead you chose to believe her over me. I always had your back and best interests. A woman’s intuition is always right. She used me to divert the attention. I thought you’d be smart enough to see through it. She manipulated you, made you so preoccupied with trying to discredit and attack me so that she could continue stealing from you, from us. It probably felt nice that she was kissing your feet but she was also kissing your wallet, just like all of them. I may never know why you trusted all of them more than me. It’s sad that it has come to this but I’m glad that you finally caught her red handed. How much more has to happen for you too see the da­mage that’s being done to you. I’m hoping you’ll wake up now before it’s too late because she’s not the only one who has you wrapped around their fingers. You’re mad at me because you know it’s the truth. Everything I’ve told you is coming home to roost.”

Parang teleseryeng binabantayan ng netizens ang mga pangyayari sa kanila ng dati niyang asawang bilyonaryo na si Victor Consunji.

Nali-link naman ang dating beauty queen at TV host sa isa pang controversial personality na si Tim Connor na isa rin palang negos­yante sa UK.

Natalo sa eleksyon na dalawang aktor/pulitiko, malaki ang investment sa mga painting

Bongga sa ‘art’ pala nag-invest ang dalawang pulitiko na natalo noong nakaraang eleksyon.

As in, mga painting na kung ilang milyon ang halaga na gawa ng mga sikat na artist sa bansa at sa abroad.

Wala raw kasing trace ang mga painting. I mean hindi basta-basta nako-compute lalo na kung hindi naman alam o hindi mahilig sa art ang nakakita at wala silang idea kung gaano ‘yun ka-expensive.

Actually, kakagulat na may collection sila ng mga painting na milyones ang halaga.

Well, baka ganun nga, para hindi ma-trace o walang ebidensiya na ganun ‘yung kamahal dahil puwede mo namang ilipat ng lugar ‘yun o ipasa sa iba in case na magkaroon ng mga intriga.

Common knowledge na maraming naipong datung ang dalawang actor-politician noong kanilang kapanahunan.

Heart, babalik na sa Paris?!

Nasa Paris na ba ulit si Heart Evangelista?

Narinig kong aalis o nakaalis na ba?

Talagang sa Paris na raw muna maglalagi ang sikat na fashion icon / influencer / actress dahil marami itong commitment doon.

Weeks ago nang duma­ting sa bansa si Heart pero hanggang ngayon ay walang nakikitang ‘ebidensya’ na magkasama sila sa bahay ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero bagama’t sa kanyang mga Instagram reel, nakikitang doon ito nakatira sa bahay nila.

Usap-usapan pa rin hanggang ngayon kung ano ba talagang status ng pagsasama nila ng asawang senador dahil pareho silang nananahimik though ang lakas ng ugong na hiwalay na nga diumano sila.

TNT singer, tuloy ang pagkinang

From Tawag ng Tanghalan stage to the recording studio, Eich Abando’s star conti­nues to shine.

Kakalabas lang niya ng kanyang debut single, isang Christmas track na pinamagatang Ngayong Pasko sa ilalim ng Curve Entertainment, na nagtatampok sa label-mate na si Duff Uno ng Kawago fame.

Available na ang single sa lahat ng digital streaming platforms sa buong mundo.

 Si Eich ay limang beses na defending champion ng It’s Showtime na Tawag ng Tanghalan at may hawak na record bilang pinakamataas na scorer sa lahat ng contestant ng ika-anim na season ng palabas, kasama ang kanyang madamdaming pag-awit ng mga sikat na kanta na naging viral lahat sa social media.

Bago sumali sa TNT, si Eich ay isa nang tanyag na singer-songwriter, music producer, voicecoach at sound engineer, at ginawaran ng Saludo Excellence Award bilang Best MusicalDirector ng 2022.

MAGGIE WILSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with