^

Pang Movies

Ate Vi, inatake ng asthma at tumaas ang BP nang magka-COVID!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ate Vi, inatake ng asthma at tumaas ang BP nang magka-COVID!              
Ate Vi

A day before her birthday, nagpakita si Star For All Seasons Vilma Santos kahapon sa kanyang mga Instagram followers para ipaalam na nagpositibo siya sa COVID-19.

“Alam ko po na medyo matagal n’yo akong hinanap,” simula ni Star For All Seasons, “well, I’ll be frank, COVID got me.”

Patuloy niya, negative na raw siya pero talagang nahirapan siya dahil nagkaroon siya ng mga komplikasyon.

“Ibang klase po ‘yung COVID ko, negative na ‘ko, pero ito ho daw ‘yung tinawag nilang ‘long COVID.’ ‘Yung nagkaroon ng mga complications. I had an asthma attack, and then, nagkaroon po ng mga fluctuating BP, headache.”

Napakaingat na nga raw niya pero talagang nadale pa siya.

“Kahit na po anong ingat ang ginawa ko, nakuha pa rin po ako ng ng COVID. So, ang advice po ng mga doctors sa akin, I really had to rest. Kailangan, medyo rest lang muna.

“Because, alam naman nating lahat na 35 years old na ‘ko,” biro pa niya, “so kailangan talaga, extra ingat. So, I’m trying my very best to ge back into the groove. So, pagbigyan n’yo muna ‘ko, ha? Pero ngayon, I’m trying my very best.”

Kasunod nito ay nagpaalala si Ate Vi sa lahat na maging maingat pa rin.

“Gusto ko lang pong ipaalala sa inyong lahat, please, please… COVID is still here at lalo na po sa mga katulad ko po na sa mga edad ko na mga senior, you really have to be careful.

“Hindi po talaga madali. Maski po ako nahirapan and I’m trying my very best still, to be well at this point in time,” aniya.

Sinamantala na rin ni Ate Vi ang pagkakataon para magpasalamat sa mga doktor at nurses na nag-aalaga sa kanya, gayundin sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan especially ang kanyang Vilmanians.

Sa comment section ay dumagsa ang mga birthday greetins kay Ate Vi at mga “get well soon” messages.

Ate Vi is celebrating her birthday today, Nov. 3.

Birthday ni Jaclyn, inisnab ni Andi!

Speaking of birthday, nagdiwang din ng kanyang kaarawan si Jaclyn Jose base sa kanyang Instagram post.

Makikita sa larawan si Jaclyn na nasa harap ng kanyang birthday cakes at sa caption, she wrote, “Thank you tita Emmy Edith, fam ..one for the book.one of my most BDay celeb.”

Dumagsa rin ang pagbati sa comments section mula sa fans at kapwa niya celebrities kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng award-winning actress.

Sa kanyang pasasalamat ay binanggit niya na hindi raw siya binati ng kanyang anak na si Andi Eigenmann.

“Salamat! So much appreciated! luv you all...sana bumati si Andi Para mas complete.oh well..i am good salamat talaga sa effort sobra,” aniya.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with