^

Pang Movies

Maggie at Victor, bongga ang parinigan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maggie at Victor, bongga ang parinigan
Maggie Wilson at Victor Consunji

Cute, Salve, ‘yung sinulat mo dito sa Pang Masa tungkol kina Maggie Wilson at Victor Consunji, ha.

Kaloka na dapat maganda ang sense of humor para maintindihan ‘yung eggplant at cave.

Sana lahat ng tao merong sense of humor at hindi lahat ng bagay sineseryoso. Gaya ko na kung anu-ano kung minsan ang lumalabas sa bibig, tapos lalagyan agad ng malisya kaya natro-trouble ako madalas. Kailangan pa bang consult a lawyer sa mga mababaw lang namang bagay?

Kailangan ba ang consult a lawyer kung wala namang dapat ikonsulta.

Naku, maikli lang ang buhay, walang katiyakan, puwedeng buhay ka ngayon, dead ka na bukas. Kaya dapat chill lang, huwag masyadong madrama na lahat binibigyan ng malisya. Dance with the music. Huwag papansin masyado.

Rudy, mas gusto ng loyal na kaibigan kahit bobo noon

Alam mo ba, Salve, na ang lakas pala ng disappointment ‘pag nakita mo ang pagiging plastic ng isang tao in action. Talagang ang tagal kong naka-recover sa discovery how a person who treats you like a friend tapos gusto ka palang dikdikin para magmukhang bully. Pero ganyan talaga ang buhay, along your journey makikita mo ang tunay na kulay ng tao.

Sabi nga noon ni Rudy Fernandez, hindi bale ng bobo ang kaibigan niya, basta loyal. Sabagay sabi ko nga, hindi lahat ng nagpapakitang mabait sa iyo, kaibigan mo. Meron pala na lihim na may galit sa iyo. Ok lang iyon. Ang mahalaga, ‘yung gusto mong tao, gusto ka rin. Love begets love.

Kung ang mahal mo traidor pa rin, problema na niya iyon, siya na ang mabigat. Hayaan mo na. Walang problema. Siya na ang merong problema. 

MAGGIE WILSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with