^

Pang Movies

Ria, ex na si Joshua!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ria, ex na si Joshua!
Joshua at Ria

Ex-rumored boyfriend na ni Ria Atayde si Joshua Garcia.

Matagal-tagal din silang na-link pero tropa lang talaga.

Kaya ang birthday wish ni Ria sa actor na sa vlogger na si Bella Racelis ngayon nali-link ay : “With you, I’ve shared some of the most wonderful memories, and most of them we shouldn’t talk about out loud hahaha. Thank you for being a true friend, a great adventure buddy and a no-questions-asked. love you Choshuwa! Happy happy birthday, my former rumored boyfriend”

boxing champion nag-guest sa running man SK; jinkee tini-train ni manny

Tini-train ni Manny Pacquiao ngayon ang misis niyang si Jinkee Pacquiao.

Sa kanilang post ay dibdiban ang kanilang ginagawang training. “Training is more fun with you! @jinkeepacquiao,” post ni former Sen. Pacquiao.

Pero ang ‘di pa pino-post ng boxing champion ay ang photos niya sa guesting  sa Running Man South Korea na inaabangan na ng kanyang fans.

Tiyak na magiging masaya raw ito dahil nga kilalang komedyante rin ang boxing champion na sikat na sikat sa Korea.

Marian Rivera, thankful

“Maraming, maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsubaybay sa loob ng limang taon,” pahayag ni Marian Rivera sa pagsuporta ng viewers sa Tadhana.

 Ipagdiriwang nga ng GMA Public Affairs award-winning drama anthology ang ika-limang taon nito sa pamamagitan ng isang three-part anniversary special simula ngayong Oct. 8.

Tuwing Sabado, ipinagdiriwang ng Tadhana ang kuwento ng tagumpay ng mga Pilipino. Bawat episode ay pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamala­king artista sa bansa.

Patuloy rin ang Tadhana sa pamamayagpag sa ratings tuwing weekend. Online, nananatili itong isa sa mga pinakasinusubaybayang local TV show.

May halos 8 milyong followers na ang Tadhana sa  Facebook. Noong Setyembre lang, umabot sa 21 million ang online views nito sa Facebook.

 “Ngayong buwan ng Oktubre, pangmalakasan ang aming handog sa inyo. Kuwento ito ng isang mag-ina na nagkahiwalay. Ano nga bang kapalaran ang naghihintay sa kanila? Pagtatagpuin ba muli silang dalawa?,” paglalahad ni Marian.

Makalipas ang 20 taon, sa kabila ng yaman ni Amy, hindi pa rin niya mahanap si Marjorie. Isang araw, makikilala ni Amy si Dennis (Raymond), isang guwapong pulis na tumutulong sa kaso ng paghahanap kay Marjorie.

Mahuhulog sina Amy at Dennis sa isa’t isa at ikakasal sila. Ngunit hindi magtatagal ay magkaroon ng relasyon si Dennis sa kasambahay ni Amy na si Sharlene (Vaness).

Makikita pa kayang muli ni Amy ang kanyang anak? Ano ang kapalarang naghihintay sa mag-ina?

Huwag palampasin ang anniversary special ng Tadhana na Baliw na Puso ngayong Oct. 8, 15, at 22, 3:15 p.m. sa GMA Network.

RIA ATAYDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with