^

Pang Movies

Mga streaming platform, binago ang taste ng viewers

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Siguro nagtataka ang mga artista ngayon kung bakit parang nawala ang star system.

Paano nga, aside from naiba na ang taste ng viewers, ang dami nang platforms kung saan puwedeng manood. At napasok na ng ibang entertainment industry ang local scenes natin.

Nandiyan na halos lahat ng panoorin kaya naman hirap na rin ang local na makipagsabayan.

Malakas na ang competition kaya halos hilahod ang local nating maki­paglaban. Matatagalan pa siguro ang laban na ito lalo ngayon na halos walang producer na gumagawa ng pelikula.

Mga network na lang ang gumagawa ng serye, at mas gusto nila ang bagong stars nila.

Wala na nga yatang nag-renew ng contracts dahil nga halos hindi mo na nga magamit ang kontrata dahil parang iba na nga ang gusto ngayon ng manonood. Scary dahil maraming mawawalan ng trabaho, nakakatakot dahil nga sa paano na ang showbiz.

Kris, mahal ang mga maawaing kaibigan

Talagang ang bait na tao si Ronite @dpersonalshopperph na kaibigan namin ni Salve. Tumawag siya para magbigay ng Nutella biscuits para ipamigay ko sa ‘classmates’ ko sa dialysis session ko.

At higit sa lahat, ‘yung balak niyang ibigay ang P500 sa lahat ng bagay na bibilhin sa kanya sa isang kaibigang nangangailangan. Imagine mo na malaking bagay iyon para sa mga in need.

Ang bait talaga ni Ronite kaya siguro mahal na mahal siya ni Kris Aquino, dahil pareho silang maawain sa mga tao na kulang sa panggastos. Kaya naman talagang suwerte  namin na kaibigan si Ronite dahil isa siyang mabait na tao.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with