^

Pang Movies

Ashley, anim na buwang nag-training ng figure skating!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ashley, anim na buwang nag-training ng figure skating!
Ashley

Pagkatapos ng kanyang intense role sa Widows’ Web, nagbabalik si Ashley Ortega sa isa namang romantic sports series opposite Xian Lim titled Hearts On Ice.

Gaganap si Ashley bilang isang figure skater sa naturang GMA teleserye at pinaghandaan niya ito nang husto dahil first love niya ang naturang sport simula pa noong bata siya. Nakapag-compete na si Ashley sa ilang figure skating competitions sa ibang bansa.

“I’ve been training for six months. Sakto nu’ng pagkatapos ko mag-lock-in taping for Widows’ Web last February, nag-train ako kaagad sa skating. So ngayon ongoing habang hindi pa kami nag-start ng taping.

“I train talaga. Ibinubuhos ko ‘yung time and effort ko sa training to really have a nice show, and para ‘pag nagte-take na kami hindi na ako mahirapan. At least okay na ‘yung stamina ko, okay na ‘yung jumps ko, spins ko,” sey ni Ashley.

Ngayon pa lang daw ay nakakaramdam na siya ng pressure dahil bukod sa siya na ang bida, dekalibre pa ang cast ng teleserye.

“This will be different. It’s my first to do a sports drama and isa rin ito sa kauna-unahang figure skating na teleserye. Sobrang nape-pressure din ako kasi ang taas ng expectations ng mga tao, pero this is it. It’s not just about figure ska­ting. It’s about family, friendship, love, ‘yun ang dapat nilang abangan.”

Drag Race PH, inaabangan na ang kauna-unahang winner

Excited na ang LGBTQIA+ community sa Pilipinas dahil itatanghal na ang kauna-unahang winner ng Drag Race Philippines.

Ang mga natirang dragista na bumubuo ng Top 4 ay sina Marina Summers na taga-Nueva Vizcaya; Eva Le Queen na isang OFW from Singapore; Precious Paula Nicole na taga-Daet, Camarines Norte; at Xilhouete na taga-Manila.

Next week na ang grand finals at may kanya-kanyang bet na ang mga beki kung sino sa apat ang gusto nilang maging first ever Drag Race Philippines champion.

Ang mananalo ay mag-uuwi ng tumataginting na P1 million grand prize at one-year supply of ONE/SIZE Beauty Cosmetics by Patrick Starrr. May pagkakataon ding ma-promote ng winner ang drag culture sa Pilipinas.

Marami ang pumupuri kay Paolo Ballesteros dahil sa pagiging host niya ng Drag Race Philippines. Na-solidify nga ang pagiging certified dragista ni Paolo na ginagawa niya sa kanyang mga pinagbidahang pelikula. Ngayon pa lang ay inaabangan na ng marami ang season two ng naturang reality competition show.

Isa nga sa trending shows on HBO GO ang Drag Race Philippines na naging guest judges ay sina Rajo Laurel, Jon Santos, BJ Pascual, Pops Fernandez, Pokwang, Nadine Lustre, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Patrick Starr, Boy Abunda, Miss Trans Global 2020 Mela Franco Habijan, Vice Ganda and Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Kevin Spacey, kinasuhan ng sexual assault ng American actor na si Anthony Rapp

Haharap na sa New York court ang two-time Oscar winner na si Kevin Spacey kaugnay ng civil lawsuit na inihain sa kanyang ng aktor na si Anthony Rapp na diumano’y inabuso niya noong siya ay 14 years old lamang.

The disgraced actor ay humarap sa sunud-sunod na kaso ng sexual abuse simula pa noong October 2017 noong magsimula ang #MeToo movement.

Ang aktor na si Rapp ay 51-years old na at kasalukuyang napapanood sa Star Trek: Discovery series ay nag-file ng complaint kay Spacey noong September 2020 dahil sa sexual assault na ginawa sa kanya sa isang party in Manhattan noong 1986.

Maghaharap na ulit ang dalawa sa Manhattan courtroom with a jury and presided over by Judge Lewis Kaplan.

If found guilty, Spacey faces significant damages.

Hindi lang sa US may kaso ng sexual assault si Spacey kundi pati na sa United Kingdom.

Noong nakaraang August, inutusan ng California judge ang aktor na bayaran ng $31 million sa production company ng TV series na House of Cards kunsaan tinanggal siya dahil sa mga kaso niya.

Sa London, Spacey was prosecuted for sexual assault against three men between March 2005 and April 2013, noong siya ang tumayong theater director. He pleaded not guilty noong nakaraang July.

ASHLEY ORTEGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with