^

Pang Movies

Dra. Vicki, nasaraduhan ng pinto sa chanel show

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dra. Vicki, nasaraduhan ng pinto sa chanel show
Dra. Vicki

Kababasa lang namin sa Instagram post ni Dra. Vicki Belo na invited siya sa Chanel show na kasama sa Paris Fashion Week at pinost pa nga nito ang invitation. Sabi pa nga ni Dra. Vicki, “It’s the first time I’m attending the #chanel show. I’ve heard that it’s always such a beautiful show.”

Na-excite ang friends ni Dra. Vicki at may nag-request pa nga ng photo nila ni Jennie ng Blackpink na dumalo rin sa event. Kaya lang, sa halip na good news at ang nangyari sa show ang ibalita, ang sad news na hindi siya naka-attend sa Chanel Fashion Show dahil na-late siya.

“As usual, Filipino time, I was late by 5 minutes and they’re very strict here. Sinarado na ang door so hindi ako makakapasok, so sad naman. Ngayon lang sana ako maka-attend ng Chanel pero not meant to be. Okay lang,” pagse-share ni Dra. Vicki sa nangyari sa kanyang Instagram story.

Pinost pa naman nito ang kanyang paghahanda sa pagdalo sa Chanel Fashion Show. Ang konsuwelo na lang ni Dra. Vicki, hindi lang siya ang na-late, marami silang hindi na pinapasok.

Samantala, tinanong si Dra. Vicki kung bakit ang nakasulat na apelyido niya sa invitation ay Gonzales at hindi Kho. Wala pa itong sagot sa tinanong ng kanyang followers.

Herlene, naghahanap ng official interpreter

Naghahanap ng magaling na translator ng Filipino to English ang manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino na magiging official interpreter ni Herlene sa gaganaping Miss Planet International. Si Herlene ang representative ng Pilipinas, siya ang napili ng Bb. Pilipinas Charities at aminado si Herlene na mahina siya sa English, kaya kailangan niya ng translator.

Naka-post sa Facebook nito ang “We are looking for a professional TRANSLATOR from Filipino to English and vice versa who is willing to fly to Kampala, Uganda for the upcoming Miss Planet International this coming November. An interpreter that can speak in front of a large audience and in front of the camera.”

Naka-post din na ang mapipili ay magiging official interpreter ni Herlene, may good compensation and all travel expenses ay sagot niya (ni Wilbert).

Ni-repost naman ni Wilbert ang announcement na sina Benjamin Alves at Rob Gomez ang magiging leading men ni Herlene sa pagbibidahang Afternoon Prime ng GMA 7 na Magandang Dilag. Si Jorron Monroy ang director ng series.

Mikee at Kelvin, natulungan nang mabuwag ang love team

Balik-tambalan sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa episode this Saturday ng Magpakailanman na may pamagat na To Love Again. Love story ito ng isang dalagang PWD na si Jenefer (Mikee) at bilanggong si Johncel (Kelvin) na nagkakilala habang nakakulong ang binata.

Sa direction ni Neal del Rosario, mapapanood ang dating magkatambal sa The Lost Recipe sa isang madamdaming istorya ng pag-ibig. Ngayon lang uli magtatambal ang dalawa sa isang full episode at abangan natin kung may fans pa ang kanilang love team.

Pinanghinayangan ng fans na hindi itinuluy-tuloy ng GMA 7 ang love team ng dalawa na may malaking potential sa The Lost Recipe. Ang kagandahan lang sa maagang pagbuwag sa kanilang love team, naipareha sila sa iba’t ibang katambal na nakatulong sa kanilang pagiging aktor at aktres.

John Lloyd, finlex ng gf na si Isabel

May post si Isabel Santos, ang rumored girlfriend ni John Lloyd Cruz ng wacky photo ng aktor habang nasa yate. Ang caption ni Isabel sa photo ay “My favorite picture- the composition, the view, the lighting! and the subject.”

Sa litrato, hindi agad makikilala si JLC dahil nag-make faces, balik sa kulay itim ang mahaba ng buhok at parang umitim. Walang makapag-comment na netizen sa post dahil limitado ang puwedeng mag-comment.

Nasa bakasyon sina JLC at Isabel at nakita nga sila sa NAIA airport noong palipad sila sa destinasyon ng kanilang bakasyon.

VICKI BELO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with