^

Pang Movies

Mayor Enrico, mabilis kausap!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mayor Enrico, mabilis kausap!
Mayor Enrico

Ang bait talaga ni Mayor Enrico Roque. Tinawagan ko siya para sa Christmas bags sa Pasko na puwedeng ipamigay sa mga less fortunate natin na kasamahan at ang sagot niya agad ay Ok. Isa na sa pinakamabait na public official na na-meet natin si Mayor Enrico Roque na kahit noon pa man ay talagang napakamatulungin na talaga, kaya masasabi ko na suwerte ang Pandi sa kanilang naging Mayor.

Kaya hindi ako nagtataka na mahal siya ni Cristy Fermin.

Isang napakabuting kaibigan ni Mayor Enrico, kaya sinumang maging malapit sa kanya you consider lucky.

‘Masasayang alaala, masarap alalahanin’

Hanggang ngayon ay nakakalungkot pa ring isipin na meron kang dating mga kasama o katrabaho na wala na ngayon dito sa mundo. Balik-balikan mo man ang maliligayang panahon ninyo noon, hindi na ito babalik pa.

Kaya totoo nga na i-enjoy natin ang lahat ng puwede nating ma-enjoy habang buhay pa tayo. Never natin dapat palagpasin ang mga bagay na dapat ginagawa natin.

Dapat samantalahin natin ang oras na binigay sa atin. ‘Yung mga dapat nasabi natin, naibigay natin.

Dahil ‘pag huli na ang lahat at hindi na natin puwedeng gawin, saka tayo mang­hihinayang. Saka natin sisisihin ang ating sarili bakit hindi natin nagawa.

Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang dalawang Startalk staff na kasama namin for almost 20 years. ‘Yung mga naging masayang pagsasama namin nina Oswald at Archie. Masayang oras at araw na pinagsamahan na ngayon nasa alaala mo na lang. Dahil nga siguro sa tagal ng naging pagsasama, kaya kahit matagal hindi nagkita-kita, talagang nakatatak sa utak mo.

Sabi nga nila, kahit matagal na, ang naiwan nilang alaala mananatili for the rest of your life.

Nakakalungkot pero dasal na lang ang puwede mong ibigay dahil wala na sila.

PASKO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with