^

Pang Movies

Kim, proud sa pagiging ina ni Angelica   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, proud sa pagiging ina ni Angelica                    
Angelica

Masayang-masaya si Kim Chiu para sa best friend na si Angelica Panganiban na isa na ngang ganap na ina ngayon sa first baby nila ni Gregg Homan.

Sa kanyang Instagram Story ay nagbigay-pugay si Kim sa bagong panganak na kaibigan at sinabing ngayon lang daw siya naging ganito kasaya for Angelica. Pinasalamatan din niya si Gregg na siyempre ay siyang dahilan kung bakit ganito kasaya ang kanyang BFF.

“So happy to see this beautiful glowing mommsy! Yes double “m” dahil isa na shang ganap na ina! Love you moms! Never been this happy for you! Ang cute ni baby bean!!!! Ang lala!! Thanks @gregg_homan mabuhay ka!,” Kim wrote.

Isa sa mga ninang ng baby nina Angelica and Gregg si Kim, gayundin ang isa pa nilang kagrupo sa AngBeki na si Bela Padilla.

Still on Angelica, enjoy na enjoy talaga ang aktres sa pagiging first time mom base na rin sa kanyang mga posts.

Sa latest IG Story nga niya ay makikitang masaya niyang karga ang kanyang baby.

“Shift na ni mommy,” she wrote. “Malumanay naman kaming mag-ina kapag ‘di kami nagkakasakitan sa padede. We miss you daddy @gregg_homan.”

Sa isang larawan naman ay makikitang natutulog si Gregg katabi ang kanilang baby. Sa malas ay nagsasalitan nga sila sa pag-aalaga sa bata.

“Sabi naman ni @gregghoman na-miss niya rin ako today. So okay lang talaga ako,” ang caption ni Angelica.

Direk Paul, mas gusto sa likod ng camera

Sinagot na ni direk Paul Soriano ang offer sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para maging Press Secretary.

Tulad nga ng napabalita last Wednesday, isa si direk Paul sa pangalang lumutang para maging kapalit ng nag-resign na Press Secretary na si Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Sa panayam kay direk Paul ng ABS-CBN News Online, kinumpirma niyang may offer talaga sa kanya si PBBM para sa naturang posisyon subalit mas gusto raw niyang manatili na lamang sa likod ng camera.

“Yes, there was a conversation but I feel that the position needs more qualified people to help the President.

“I can be of better service behind the scenes working with the President‘s media and communications team,” pahayag ng mister ni Toni Gonzaga.

Aniya pa, alam niya ang kapasidad niya at mas mapapakinabangan daw siya kung siya ay nagtatrabaho sa likod ng camera.

“I know my strengths, I know what I can give him. I am better utilized at the background than be in front of the camera.

“At the end of the day, my main mandate is to send out the message that we have a hardworking leader that sadly people don’t see,” pahayag ni direk Paul.

Ito rin daw ang sinabi niya kay PBBM nang magkausap sila at nangakong kung may maitutulong siya ay tutulong daw siya sa abot ng kanyang makakaya.

“As I told the President this morning, if there’s a need for me to help, I will be there in whatever ­capacity,” he said.

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with