^

Pang Movies

Limang nasawing rescuer, kinilala ang kabayanihan sa KBYN

Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinampok ni Noli de Castro ang kadakilaan ng limang nasawing rescuers noong humagupit ang Bagyong Karding sa Bulacan ngayong Linggo (Oktubre 9) sa KBYN

 Nagbuwis ng buhay ang mga rescuer ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurreccion at Narciso Cala­yag upang mailigtas ang kanilang mga kababayan nang rumagasa ang Bagyong Karding sa Luzon noong Setyembre 25. Dahil dito, kinilala at pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan ang kanilang kaba­yanihan.

 Kukumustahin din ng KBYN team ang kalagayan ng street sweeper na si Doreen Bacus na nasagasaan ng SUV sa BF Homes, Parañaque City. Nagpapagaling pa rin sa ospital ang matanda at nakatakdang isailalim sa artificial ear surgery matapos siyang mawalan ng tainga dahil sa aksidente.

 Samantala, bumiyahe rin si Kabayan sa Batangas at nilibot ang isa sa pinakamalaking cattle farm sa Pilipinas. Natutunan niya ang proseso ng pagsasaka ng mga imported na baka na naghahatid ng de-kalidad na karne sa bansa.

 Panoorin ang mga kwentong ito sa KBYN: Kaagapay ng Bayan, ngayong Linggo (Oktubre 9), alas 5 ng hapon bago ang TV Patrol Weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews, news.abs-cbn.com/live, TeleRadyo, at A2Z.

NOLI DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with