^

Pang Movies

Ricci, binunyag na si Andrea talaga ang nag-first move    

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ricci, binunyag na si Andrea talaga ang nag-first move                   
Ricci at Andrea

Walang problema kay Ricci Rivero na makatrabaho ni Andrea Brillantes ang ex-boyfriend nitong si Seth Fedelin.

Sa latest vlog ni Andrea ay kasama niya ang boyfriend at sinagot nila ang mga tanong ng netizens tungkol sa kanilang relasyon.

Isa nga sa tanong ay kung okay lang ba kay Ricci na makatrabaho ni Andrea si Seth o makapareha ang ibang aktor. “Actually, sa akin, okay lang kasi part naman ‘yun ng work, ‘di ba? And nasa kanya naman ‘yun,” he said.

Dagdag pa niya, “siya talaga ‘yung magiging affected du’n, hindi ako. Pero kapag okay sa kanya ‘yung trabaho, magagawa niya nang maayos ang trabaho. Pero if hindi niya feel gawin ‘yung work, nasa sa kanya po ‘yun. Sa akin, work is work.”

Natanong din kung paano ba nagsimula ang lahat sa kanila ni Ricci at kwento ni Andrea, una silang nagkita sa Xylo Bar sa BGC. That time ay tumakas lang daw siya sa nanay niya na first time raw niyang ginawa. Niyaya lang daw siya ng friends niya that time at pumayag siya dahil heartbroken siya. Hindi raw niya alam na nandu’n si Ricci.

Pero inamin din naman daw niya sa nanay niya agad at humingi siya ng sorry sa kanyang ginawa.

Anyway, nakita nga niya si Ricci sa Xylo Bar at ang unang impresyon daw niya sa basketbolista ay mayabang, suplado at akala mo’y kung sino.

Sa tanong kung sino ang gumawa ng first move, ayon kay Ricci ay si Andrea raw dahil after ng first meeting nila sa Xylo bar, nag-follow raw at nag-message sa kanya ang aktres.

Paliwanag naman ni Andrea, bago raw sila nagkita sa Xylo ay nag-message sa kanya si Ricci sa private account niya pero hindi siya nag-reply.

“Dati, pina-follow namin ang isa’t isa pero nag-unfollow din kami sa isa’t isa,” kwento pa ni Andrea.

Katuwiran ng aktres, nakikita raw niya kasi si Ricci sa IG Stories ng friends niya at natuwa siya nang mag-post ito about astrology dahil same pala raw sila ng interest. Mahilig daw kasi siya sa zodiac sign.

Naikuwento rin ni Blythe ang tungkol sa post ng isang netizen na naka-bikini si Ricci. That time ay bago pa lang daw ang relasyon nila. “Edited talaga siya, guys. Alam n’yo kung totoo ‘yun, sinapak ko na siya,” paglilinaw ni Andrea.

Sa tanong kung gusto ba nilang magkatrabaho sa isang drama, ayon kay Seth ay okay lang naman basta swak sa sche­dule niya dahil basketball pa rin daw ang priority niya.

No naman para kay Andrea na magkasama sila sa work ni Ricci.

“Alam mo ‘yun, baka maiba ‘yung relationship namin kasi magiging parang loveteam kami. Natutuwa rin kasi ako na mayroon kaming sariling gusto, magkaiba ‘yung gusto namin, may sarili kaming mundo. Pero kung maganda talaga, siyempre, gusto ko ring gawin,” saad ni Andrea.

Julia, nasa vacation mode pa kasama si Gerald

Now it can be told na talagang hindi break sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Makikita kasi sa pinakabagong post ng aktres ang kissing photo nila ng boyfriend na pagpapatunay na talagang maayos na maayos pa rin ang kanilang relasyon.

Nag-post si Julia ng mga larawan nila ni Gerald habang nagbabakasyon sila sa Singapore at kabilang na nga rito ang kanilang kissing photo.

Sa caption ay nag-sorry si Julia sa kanyang followers na hindi siya nakakapag-update. Katuwiran niya ay nag-e-enjoy siya sa bakasyon with Gerald.

“Hello! Sorry no update the past few days, been on vacation mode and it’s been so nice to spend some quality time with RJ. Excited to share memories collected this weekend,” pahayag ni Julia.

RICCI RIVERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with