^

Pang Movies

Robin, agad-agad nagpa-drug test

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Robin, agad-agad nagpa-drug test
Robin

Saluduhan natin si Senator Robinhood Padilla!

Aba, nagkusa ang senador na sumailalim sa drug test sa opisina ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ayon sa report sa DZBB kahapon.

Gusto na ring hikayatin ng senador ang mga kapwa artista at empleyado ng pamahalaan na boluntaryong sumailalim din sa drug test.

Umingay muli ang panukalang magpa-drug test ang mga artista at workers sa movies at TV industry dahil sa pagkatimbog sa aktor na si Dominic Roco sa buy-bust operation kamakailan.

Who’s next after Senator Robin?

Maria Clara…, sumipa

Winner ang rating  GMA historical serye na Maria Clara at Ibarra, huh!

Sa pilot telecast ng Kapuso serye last Oct. 3, sumipa ang ratings nito ng 15.1.

Interesting din kasi ang pagbibigay ng makabagong touch ang series na pinagsama ang Spanish era at makabagong panahon.

Ang galing kaya ng bidang si Barbie Forteza at ang direksiyon ni Zig Dulay, huh!

ROBINHOOD PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with