^

Pang Movies

Faith, may pinaghuhugutan sa pagiging mapang-api  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bini-build na next kontrabida ng Kapuso network si Faith Da Silva. Siya ang primera kontrabida ni Kate Valdez sa upco­ming GMA drama series na Unica Hija.

Ayon kay Faith, labis ang pagpapahirap na ginawa niya kay Kate sa naturang teleserye. “For Unica Hija, ang character ko rito ay si Carnation, ako ang magiging stepsister ni Hope (Kate Valdez), ang magiging nanay ko rito is si Maricar de Mesa.

“If you compare it to my previous roles, sa Las Hermanas ‘yung role ko as Scarlet, matigas kasi ang ulo niya, pero malambot din. Dito naman, si Carnation ang masasabi ko lang is kaiinisan n’yo talaga siya. Maba-bad trip kayo sa kanya! Maiinis kayo nang sobra.”

 Marami raw na pinaghugutan si Faith para magampanan niya nang maayos ang role niya as Carnation.

“Doon naman po tayo kukuha ng emotions para maging effective ang performance natin. Marami po tayong hugot in life. ‘Yung pain gawin nating instrument para makabigay tayo ng magandang performance.”

Dennis, first time maging hands-on dad

Proud daddy si Dennis Trillo sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Baby Dylan dahil natuto raw siyang maging isang hands-on parent.

Inamin ng bida ng GMA teleserye na Maria Clara At Ibarra na hindi niya na-experience ang maging hands-on dad sa panganay niyang si Calix Andreas dahil sa ina nitong si Carlene Aguilar ito lumaki.

Ngayon daw ay kahit pagod siya sa kanyang trabaho, pag-uwi niya ay didiretso raw siya sa kuwarto ni Baby Dylan at tinititigan daw niya ito habang tulog. Kung gising naman daw ito, ihehele niya hanggang makatulog.

“Minsan kapag umuwi ako ng madaling-araw, diretso ako no’n mag-alaga. Kahit tulog na sila, itsetsek ko kung kailangan palitan ng diaper. Natutunan ko lahat ‘yan dahil kay Baby Dylan. Kasi nga, hindi ko nagawa iyon kay Calix noon. Ngayon lang talaga ako naging hands-on dad at mukhang okey naman ang ginagawa ko. Wala namang reklamo mula kay Jen!,” tawa pa ni Dennis.

Kaya noong nag-lock-in taping sila ng dalawang buwan sa Ilocos Sur para sa Maria Clara At Ibarra, panay ang check niya sa kanyang mag-ina.

“Matagal akong nawalay sa mag-ina ko kasi. Tapos inabot pa kami sa taping ng bagyo at lindol. Ayokong mag-worry si Jen sa akin kaya parati akong may communication sa kanya. Kahit mahina minsan ang signal sa location namin, gumagawa ako ng paraan para makausap ko sila to say na okey kami sa location,” sey pa ni Dennis.

FAITH DA SILVA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with