^

Pang Movies

Hipon, inaming nabudol ng dating manager

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Talbog ni Herlene ‘Hipon’ Budol ang ibang mga beauty queen / artista ngayon sa rami ng mga kontrobersya.

Kahapon naman ay nagreklamo siya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo na Tulfo in Action dahil sa panloloko diumano ng manager niyang si Elizabeth “Eliz” Estrada. 

 Sa kanyang post ay nagpasalamat siya kay Sen. Raffy.

“Marami maraming Salamat po Senator Idol Raffy Tulfo sa pag tulong at pag action sa aking pinag dadaanan for almost 2 years at nag suffer po ako sa panahon ng pandemia na indi ko man lang ma pa enjoy ang Nanay Bireng ko. hanggang sa pag panaw nya. walang paramdam ang dati kong Manager na pinost ko last Sept. 23, 2022 dto sa Fanpage ko.

“Binigyan kta ng mahabang panahon para ayusin etong aberiang iniwan mo sa akin at wala kang proper endorsement mga documents at never ako naka kita ng kontrata. kung indi pa ako nag pursige at nag move forward at lumapit kay Ate Madam inutz at kay Sir Wilbert Tolentino hanggang ngayon isa po akong walang ka muwang muwang na tao.

“words cannot express how grateful i am.

isa eto sa mga experience ko na nag sisilbing aral at itama ang dapat itama,” ang buong post ni Herlene tungkol sa kanyang reklamo.

Wala pang sagot ang sinasabing dating manager ng sexy star tungkol dito.

Lovi, gustong bumida sa K-drama na mala-may-december!

Kung meron man isa pang Korean drama series na gustong gawin ni Lovi Poe, ito ay ang ‘yung Something In the Rain starring Son Ye-jin, Jung Hae-in and Jang So-yeon.

Noong 2018 pa ito napanood sa Netflix na med­yo May-December affair ang kuwento.

Lagi itong trending noon at nagpasikat kay Jung Hae-in sa Pinoy fans.

Natanong si Lovi tungkol dito sa ginanap na finale presscon ng local adaptation ng Flower of Evil na pinagbidahan nila nina Piolo Pascual, Paulo Avelino, JC de Vera and Edu Manzano.

Aminado si Lovi na isa siyang Korean drama fan.

Samantala, pulos papuri ang sinasabi ni Lovi kay Piolo. Hindi raw niya ini-expect na ganun ito ka-grounded na tao kaya maganda rin ang kinalabasan ng mga eksena nila.

Ito nga ang unang sabak ni Lovi sa suspense-mystery and action genre at aminado ang aktres na natupad ang pangarap niya ritong maging action queen.

Mahigit 20 bands magrarakrakan, E-heads kasing mahal ng Coldplay ang rate

Wow, parang foreign artist pala ang rate ng ticket ng reunion concert ng Eraserheads. As in pricey siya.

Almost P18,000 ang pinakamahal at ang cheapest ay P3,000.

Ganito usually ang rate ng mga foreign group na nagpi-perform sa bansa before pandemic like Coldplay.

Kabilang sa mga producer ng reu­nion concert ng isa sa mga Pinoy iconic rock band si Alden Richards.

Pero kung mahal naman ticket nila, may blowout naman ang clothing line na Macbeth sa kanilang 20th Anniversary kung saan magkakaroon sila ng bonggang rakrakan kasama ang mahigit 20 bands na magpe-perform mula 11:00 a.m. hanggang 12:00 midnight sa Oct. 8, 2022 na gaganapin sa Metrowalk Concert Ground.

Bukod sa live music, may magaganap ding rampahan.

Yes, pinagsama nila ang fashion and live music.

Kabilang sa mga naka-line up na mainstream and underground music ay ang Chelsea Alley, Urbandub, Rico Blanco, Mayonnaise, Chocolate Factory, Sandwich, Hilera, Even, Snakefight, Sucketseven, Fragments, Chndtr, Fastpitch, Soapdish, Written By The Stars, Divina, Lilith, Shotgun Combo, Imbue No Kudos, Rouge, and Macbeth All-Stars and Superband.

Ito rin ang magsisilbing official launch of Lady Macbeth and Macbeth Underwear.

Para magkaroon ng free show invite – for every single purchase receipt of any Macbeth merchandise worth P1,200. You may also score 1 show invite alone, for only P600.

James Reid kasama sa world tour ng sikat na K-Pop artist!

Wow, iba na talaga ang direction ng career ni James Reid.

Abroad ang target niya.

Kasama siya ngayon sa world tour in Manila ng Korean artist na si Lim Jae Beom (Jay-B) ng GOT7.

Kahapon ay nag-post siya ng short videos at tiniti­lian nga siya.

“On the TAPE PRESS PAUSE WORLD TOUR. Thankyou @jaybnow.hr and Ahgases for having me The on-the-spot fan chant for “u & i” was WILD #2022JAYBWORLDTOUR.”

Last week lang ay nasa bansa si Jay-B para sa isang concert.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with