^

Pang Movies

Parang miyembro na ng First Family...jowa ni Cong. Sandro Marcos na sexy star, bitbit sa Singapore Grand Prix

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Parang miyembro na ng First Family...jowa ni Cong. Sandro Marcos na sexy star, bitbit sa Singapore Grand Prix

Bitbit ni Cong. Sandro Marcos ang girlfriend niyang sexy star, si Alexa Miro, sa Formula 1 Singapore Grand Prix last weekend.

Yup bukod nga kay President Bongbong Marcos with First Lady Liza, and Speaker of the House Rep. Martin Romualdez na lumipad sa Singapore, kasama rin ang mag-jowa.

Ka join din nila sa grupo ang isa pa nilang katropa na si Rep. Aniela Tolentino na kamakailan ay pinag-usapan sa social media dahil sa landian nila sa plenary session ni Cong. Marcos.

Makikita nga sa official photo ng Grand Prix na enjoy ang magkarelasyon.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nag-abroad sina Cong. Sandro at Alexa.

Last June ay nag-Europe raw sila ng ilang linggo at nun ngang nakaraang election ay tumulong ang sexy star sa pangangampanya ng anak ng pangulo.

Pero gusto lang daw nilang maging low key dahil may mga kontra nga sa nasabing relasyon kaya may pagkakataon na nag-deny sila.

Last year pa raw nagsimula ang relasyon nina Sandro and Alexa.

Semi-regular sa Laugh Out Loud si Alexa.

Napanood na rin siya sa Araw-Gabi ng ABS-CBN noong 2018 at nagkaroon siya ng daring movie na A Girl + A Guy.

Graduate si Alexa sa La Salle.

Malaking issue kahapon ang nasabing pagbiyahe ng grupo ng pangulo sa Singapore dahil walang official announcement na manonood sila ng Singapore Grand Prix.

Gerald at Julia, bumiyahe rin sa Formula 1 event!

Samantala, bukod sa kanila, nag-Singapore rin lang weekend ang celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Makikita nga sa Instagram stories nina Gerald at Julia na nag-enjoy sila kahit maulan doon.

Namatay na nga ang intriga kina Julia at ama niyang si Dennis Padilla na umapela sa mga pahayag ng actress sa interview ni Karen Davila.

Mukha ring hindi na matutuloy ang interview ni Karen kay Dennis.

Anyway, andun din sa Formula 1 event sa Singapore si Yassi Pressman at mga kasosyo niya sa negosyo kasama na ang boyfriend niya.

Robin, sinopla ang panawagang mandatory drug-testing

Sinopla ni Sen. Robin Padilla ang panawagan ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na madatory drug testing sa showbiz.

Ayon sa aktor na senador : “I am one in seeking to protect our fellow Filipinos from the ill effects of illegal drugs. This includes my fellow workers in the showbiz industry. However, we cannot oblige anyone to undergo a drug test, as it is tantamount to violating their human rights,” ayon sa kanyang statement pero aniya ay suportado niya ang voluntary drug testing kung sakali.

Dagdag pa sa statement na mas maganda rin kung ang employers na ang magso-shoulder sa bayad sa pagpapa-drug test.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan ang tungkol sa mandatory drug testing sa showbiz.

Nabuhay lang nang mahuli sa buy bust operation ang actor na si Dominic Roco.

Samantala, gulat ang marami na back-to-Senate na si Sen. Robin Padilla matapos ang heart procedure nito.

Maraming nagtaka na ang bilis naman niyang naka-recover.

Kaya nagpaliwanag ito na sumailalim lang siya sa painless procedure matapos makitaan ng mga doctor na may ischemia, ang angiogram. Pero wala siyang binanggit kung kailan isinagawa ang heart procedure  na ibinalita ng misis niyang si Mariel Rodriguez.

Kahapon nga kasi ay normal-normalan na ulit ang actor turned senator.

Meron din siyang post na naghahanap daw siya ng bagong nobya para sa kaligayahan ng puso. “Sabi ng doctor kailangan bumalik sa kaligayahan ng puso. Hanap muna ng bagong nobya,” aniya habang nasa isang tindahan ng mga baril.

SANDRO MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with