^

Pang Movies

Dingdong, bumawi!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dingdong, bumawi!

Mababaw ang kaligayahan ng pamilya Dantes!

Sa kanyang Tiktok account, ipinakita ni Marian Rivera ang kaligayahang nadama nilang mag-iina nang gawing  kotse-kotsehan ang plastic box!

Sakay sina Yan, Zia at Sixto, damang-dama ang kaligayahan ng mag-iina habang tintutulak ni Dong (Dantes) ang sasakyan.

Ilang linggo rin kasing hindi nakasama ng mag-iina ang pamilya dahil sa concert nito sa abroad. Kaya naman, bawing-bawi si Dong sa mag-iina niya sa pagkawala niya sa piling nila,  huh!

rayver at julie puro sa patikim lang ang relasyon

Tuluy na tuloy na pala ang concert ng rumored lovers na sina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz.

Sa November ang concert nila Julie Anne at Rayver sa isang hotel sa Kamaynilaan.

Eh nagkaroon din ng me time ang dalawa nang makasama sila sa two-night concert sa State bilang anniversary offering ng GMA Pinoy TV.

Eh kailan naman kaya sila aamin sa publiko ng kanilang relasyon?

Gayunpaman, kaya naman pala lutang at mukhang inspirado ni Julie sa bago niyang Kapuso series na Maria Clara at Ibarra na nagsimula na kahapon!

DINGDONG DANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with