^

Pang Movies

Enrique naiwan… Liza, si James ang kasama sa Bora!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nasa bansa si Liza Soberano at nagpalit lang yata ng maleta at lumipad na papuntang Boracay. Sa mga lumabas nitong photos, makikitang nag-i-enjoy sa Boracay si Liza at may binati pa ng happy birthday.

Nalungkot lang ang fans nina Liza at Enrique Gil dahil hindi ang boyfriend ang kasama sa Boracay kundi ang manager niyang si James Reid kaya may mga nagtanong,  kung bakit si James at hindi si Enrique ang kasama ni Liza

Anyway, ang importante masaya si Liza at sana nga ma-interview siya at matanong sa ginawa niyang pelikulang Lisa Frankenstein  sa Amerika.

Pinaboran ng Bayan...

Pabor ang mamamayan sa panukala ni Cong. Robert Ace Barbers na magkaroon ng mandatory drug testing sa mga celebrity bago magsimulang gumawa ng pelikula, mag-taping for TV projects at iba pang trabaho sa entertainment.

Kaugnay ito nang pagkakahuli kay Dominic Roco sa isang buy-bust operation sa Quezon City. May karapatan si Cong. Barbers na isulong ito dahil siya ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, kumbaga, trabaho niya ito.

Comment ng mamamayan, dapat noon pa ito ipinatupad para nalilinis ang showbis. May nag-suggest pa nga na dapat pati newscaster at lahat ng nagtatrabaho sa pelikula at telebisyon ay dumaan sa mandatory drug testing para magkaalaman na raw. Kung ang mga ordinaryong mamamayan daw at pati nga mga driver, may drug testing, dapat ganu’n din sa showbis.

“Alam ko na halos lahat ng ating mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng illegal na droga. Pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga,” aniya sa mga lumabas na interview.

Sa interview ni Noli de Castro sa online show nitong Kabayan, nag-suggest din si Barbers na gawing requirement ng mga director at producers sa mga kukunin nilang artista ang drug test bago simulan ang proyekto na gagawin ng mga artista.

 Dahil alam na ibabalik sa kanya ang panukalang ito, sinabi ni Barbers na taun-taon siyang nagpapa-drug test dahil siya nga ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs. Kinukumbinse nga raw niya ang mga kasamahan niya sa Kongreso na magpa-drug test din para ipakita sa tao na seryoso ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Heart, ka-chika na pati si Victoria Beckham

Nabasa sa Instagram ni Heart  Evangelista ang short convo nila ni Victoria Beckham, na sinimulan ni Victoria ng comment na “U look incredible!!! Perfect VB muse!! X” na sinagot ni Heart ng “@victoriabeckham love all:) congrats love!”

Nasa Instagram din ni Victoria ang reels ni Heart habang rumarampa sa Paris Fashion Week and on her way sa fashion show ng creation ni Victoria. Ganu’n din halos ang comment ni Victoria, ang pagkakaiba lang, may karugtong na “Thnk you for coming to my #VBSS23 show X” at sumagot uli si Heart ng “Awww love you guys.”

Tuwang-tuwa ang supporters ni Heart na pati si Victoria, katsika na nito. Wish nila magkaroon ng photo na magkasama ang dalawa, kaya lang, magtatapos na ngayon ang Paris Fashion Week, pero malay nating magkita sina Heart at Victoria bago ito matapos. Sana rin daw, makaharap din ni Heart si David Beckham, ang asawa ni Victoria.

LIZA SOBERANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with