^

Pang Movies

Sharon, namakyaw sa LV nang tanggihan ng Hermes   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon, namakyaw sa LV nang tanggihan ng Hermes              
Sharon

Hindi pala pinapasok si Sharon Cune­ta sa Hermes store sa Seoul, South Korea nang magpunta siya sa natu­rang bansa kamakailan kasama ang kanyang pamilya.

Ibinahagi ni Megastar ang kanyang karanasang ito sa kanyang latest vlog titled Seoul Part 3 kung saan ay nakadokumento talaga na hindi siya nakapasok sa nasabing high-end store.

“Gusto kong bumili ng sinturon sa Hermes, ayaw akong papasukin,” aniyang natatawa habang naglalakad sa mall.

Sa halip ay dumiretso siya sa Louis Vuitton store at makikita sa video na ang init ng pagtanggap sa kanya ng mga staff doon. Binigyan pa siya ng free champagne of flowers na labis na ikina-touch ni Mega.

“Thank you Olivia. I got champagne and flowers… Thank you, Jasmine, very nice to meet you,” masayang sey ni Sharon sa mga staff.

Kitang-kita rin sa video ang napakaraming pinamiling LV items ni Sharon.

Habang nasa store nga siya ay ikinuwento niya sa staff ang ilang detalye sa kanyang buhay tulad ng kanyang pagiging singer/actress since 12 years old.

Ang nakakatuwa, matapos mamili sa LV store ay napadaan siya ulit sa Hermes store at nakitang muli ang staff na hindi nagpapapasok sa kanya.

“No more, I buy everything,” sey ni Sharon sa staff ng Hermes.

Ang maganda kay Mega, mukhang hindi naman siya napikon or naim­byerna sa Hermes staff at tinawanan na lang niya. Habang pauwi nga ay mukhang nakalimutan na niya ito ay hindi na niya nabanggit or napag-usapan ng kanyang mga kasamahan.

Heart, tigil muna sa shopping dahil sa biniling apartment

Inamin ni Heart Evangelista na nakabili na nga siya ng sariling apartment kaya hindi na raw muna siya nagbibibili ng kung anu-ano sa Paris.

“I just got myself an apartment, so I do not really plan to buy anything else because I have all my nice furniture. I really want, very, very nice... I’m saving up for that,” pagbabahagi ni Heart sa kanyang Instagram live recently.

Bukod dito ay wala raw siyang oras ngayon para mag-shopping.

“But I’ve been also so busy to anything, to shop. So, the only time that I have to spare is to, you know, be on my bed and rest,” sey pa niya.

Bagama’t hindi nalinaw ni Heart kung saan ba siya nakakuha ng apartment, nabanggit niya minsan sa isang panayam ba gusto raw niyang mag-invest ng bahay sa Paris since pabalik-balik nga siya sa naturang bansa.

Siyempre, ikinonek na naman ito ng mga Marites sa tsikang hiwalay na si Heart at ang mister na si Sen. Chiz Escudero.

SHARON CUNE­TA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with