^

Pang Movies

Dating hunk actor na drug addict, naglalako ng sarili sa mga bading

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakakaawa rin itong sinapit ng dating hunk actor na ngayon ay hindi na nakabalik sa showbiz.

Nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot at ang sabi niya noon ay nalampasan na niya.

Pero parang hindi pa dahil umabot na siya nga­yon sa pagbu-booking sa mga mayayamang bading.

Kapag marinig mo ang pangalan niya, ang lakas ng dating. Matikas, matipuno at punung-puno ng kamachohan.

Pero parang hindi na ngayon, dahil tinatanggihan na siya ng mga bading na dating nagnanasa sa kanya.

Okay na sa kanya ang booking sa halagang P3K hanggang 5K.

Sulit na sulit naman daw.

Nabasa ko ang text niya sa isang mayamang ba­ding na: “titirik ang mata mo sa akin mamaya.”

Pero dedma pa rin si bading at hindi pinatulan ang paglalako ng dating hunk actor sa kanyang laman.

Robin, nakauwi na pagkatapos operahan

Nasa maayos na kalagayan na si Sen. Robinhood Padilla pagkatapos niyang dumaan sa isang heart procedure nung kamakalawa lang.

Nung Sabado ay naglabas ng statement ang tanggapan ng actor/politician.

“Si Senador Robinhood ‘Robin’ Padilla ay nasa maayos na kalagayan at pinayagan nang umuwi matapos sumailalim sa isang heart procedure sa Asian Hospital sa Muntinlupa City, ngayong Sabado, Oktubre 1, 2022.

“Magpapahinga po si Sen. Padilla ngayong weekend at inaasahang makakabalik sa kanyang trabaho at normal na gawain sa lalong madaling panahon.

“Nagpapasalamat si Sen. Padilla sa pagbuhos ng dasal at suporta para sa kanyang agarang paggaling.

“Magbibigay po kami ng karampatang update sa kalagayan ni Sen. Padilla. Muli, marami pong salamat.”

ROBIN PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with