^

Pang Movies

KathNiel, itutuloy na ang pelikula!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
KathNiel, itutuloy na ang pelikula!
KathNiel

Bago nagka-pandemic ay may sisimulang pelikula ang magkasintahan at magka-loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang After Forever na nakatakdang pamahalaan ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema pero ito’y hindi natuloy.

There is a big possibility na matuloy na ito this year dahil napabalitang may gagawing movie ang dalawa.

Ang KathNiel ay huling napanood sa mega hit movie na The Hows of Us in 2018 na dinirek din ni Direk Cathy.

Ang dalawa ay kasalukuyang napapanood sa hit primetime TV series na 2 Good 2 Be True.

Samantala, ang young sweethearts celebrated their 11th anniversary bilang magka-loveteam recently kasama ang kanilang loyal fans.

G Tongi, ‘di nagtagal sa ‘Pinas

Kamakailan lamang ay nasa bansa ang dating MTV-Asia VJ, at LA-based actress-host na si G Tongi (Giselle Tongi) for a 10-day work-vacation at kasama na rito ang kanyang pagbisita sa kanyang 84-year-old Filipina mother sa Lobo, Batangas kung saan ito naninirahan ngayon.

Although bitin ang 10 araw niyang pagbisita sa Pilipinas, it was a very productive visit para kay Giselle dahil nakita rin niya ang ilan sa kanyang mga kaibigan matagal niyang hindi nakita including actor-director Eric Quizon, Joey Mead-King at Claudine Trillo at iba pa.

Si G ay may sarili nang pamilya. She’s married to an American guy na si Tim Walters at meron na silang two grown-up children.

Si G ay may guest participation sa pelikulang Labyu with an Accent movie nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria na kukunan mismo sa America.

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with