^

Pang Movies

Bela, tumangging gumawa ng show na luma ang istorya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bela, tumangging gumawa ng show na luma ang istorya
Bela

Na-quote si Bela Padilla sa pahayag na “Was offered a show a few days ago that I decided to respectfully decline because I felt like the character and storyline were both too familiar to me already. I’m happy that after the pandemic, I’ve learned to choose what is essential to me now.”

Gustong malaman ng netizens kung anong show ang in-offer kay Bela at kung saang channel? Kikilatisin lang daw ng netizens ang dapat role ni Bela na tinanggihan nga nito. Puwede kasing sa ABS-CBN ang show o sa Sari Sari Channel na partnership ng Cignal at Viva at baka sa TV5.

At least si Bela, can afford to decline an offer at higit sa lahat, puwede siyang mamili kung anong project at role lang ang tatanggapin. Ang ibang newcomers at kahit matagal na sa showbiz, wala pa sa status na puwede silang mamili.

Toni, ayaw tantanan ng bashers

This Monday, Oct. 3, na ang pilot telecast ng Toni, ang talk show ni Toni Gonzaga sa ALLTV. Monday to Friday, 5 p.m., ang airing nito at sa teaser na pinost ng ALLTV, marami na itong nai-tape na episodes.

Napanood namin sa teaser si Mariel Rodriguez, Bayani Agbayani, Doc Willie Ong, Anthony Ta­berna at misis nitong si Rossel Taberna at marami pang iba.

Kabilang sa nag-comment si Alex Gonzaga na ang sabi, “Im so proud of you!!! you are a QUEEN!!” at comment ni Mariel, “I am sooooo excited!!!”

Samantala, pinuna ang Instagram ang repost ni Toni na may nakasulat na “Toni Gonzaga Is Shopee’s Newest Brand Ambassador. Toni Gonzaga is still a PR win for Shopee.” Tsinek kasi ang ni-repost ni Toni na article at nalamang newly created ang website at hindi pa nga tapos at ginawa lang para sa kanya.

May mga nag-comment na rin na ibo-boycott nila ang MMFF entry nito na My Teacher na kasama sa cast si Joey de Leon. Ang husband ni Toni na si Director Paul Soria­no at ang production company nitong Ten17p ang producer. Hate rin ng bashers nito ang asawang direktor, kaya lalo raw nilang ibo-boycott ang movie.

Ano ba ‘yan? Puro na lang boycott, kailan kaya mawawala ang pambu-boycott na parang wala namang epekto.

David, nahirapan sa malalim na tagalog

Hindi namin makakalimutan si David Licauco dahil sa isang interview namin at napag-usapan ang ina nina David at mga artistang kasama sa interview, very proud na sinabi nito ang “maganda ang mom ko.”

After ng interview, binisita ng mga reporter ang Instagram nito to check photos of his mom at totoo nga, maganda ang mom niya. In fact, his whole family is beautiful at hindi pang-PR lang ang sinabi nito.

Naalala namin ang interview na ‘yun kay David nang makita namin siya sa mediacon ng Maria Clara at Ibarra na kasama siya sa cast at ginagampanan ang role ni Fidel.

This Monday, 8 p.m., ang world premiere ng historical portal fantasy ng GMA 7, mas makikilala pa natin si Fidel at ang ibang karakter ng Maria Clara at Ibarra. Mula ito sa direction ni Zig Dulay.

BELA PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with