^

Pang Movies

Kinatatakutan ng misis, dumating na... Vhong, sa kulungan magpapasko!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kinatatakutan ng misis, dumating na... Vhong, sa kulungan magpapasko!
Tanya

Malamang na sa kulungan na raw mag-Pasko si Vhong Navarro.

Denied ang petisyon ng kampo ng komedyante na manatili siya sa NBI.

Kaya’t ito ang kinatatakutan ng misis niyang si Tanya Bautista-Navarro.

Nauna nang sinabi ni Tanya na takot sila para sa asawa kung ilipat ito sa Taguig. “Of course, that’s very scary kasi threat ‘yon sa buhay niya. Basta very scary for Vhong.

“Pero ako, right now, ang worry ko ‘yung security for Vhong. ‘Yun na lang. Nandito na kami eh so lalaban na lang kami. May case na eh so lalaban kami at alam ko mapapanalo namin ‘to. May God, mapapanalo namin ‘to but for the meantime, at least ‘yung security niya. Natatakot ako for him ‘pag nalipat siya sa Taguig,” pahayag nito sa isang interview a week ago sa ilang entertainment media.

Robin tinawag na barumbado ang DFA undersec bago naoperahan, maging sino... pinag-usapan

Nagulat ang lahat kahapon nang i-post ni Mariel Rodriguez na sumailalim sa heart procedure si Sen. Robin Padilla.

Maaalalang nung nakaraang Hunyo ay isinugod sa hospital si Robin habang nasa bakasyon sa Spain.

Post niya noon na : “Napakahirap intindihin ng nangyari sa akin. Wala akong kahit Anong sakit pero bigla na Lang ako nawalan ng lakas sa tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno.

“Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong hilo ako May espanyol ako na naririnig ko sa paligid ko

“Kinakausap ako parang Nais niya ako alalayan ilang sandali ay lumiwanag ang paningin ko Nanumbalik ang lakas ng tuhod ko

“Dahan dahan ako tumayo  Inalalayan ako ng espanyol Hindi ko siya naiintindihan kaya  Sabi ko Lang salamat señor

“Hinanap ko kung Nasan ang asawa ko

“Nakita ko ang 2 namin kapamilya kasama si gabzy na him­bing na himbing sa kanyang stroller Wala si Mariel kasama si isabela na nakasakay sa isa sa mga rides Nahihirapan na ako huminga

“Bumibigat ang dibdib ko Kailangan ko na pumunta sa ospital

“Nagpaalam ako kay gabzy at sa mga kapamilya

“Hilong Hilo na naman ako Pinilit ko maglakad hanggang sa entrance

“Wala akong makitang taxi Nag message ako sa kababata ko na sunduin ako at magdala ng taxi

“Nag message din ako kay Sir ambassador LHUILLIER na tulungan ako makapunta sa ospital Nararamdaman ko na naman na nawawalan ng lakas ang tuhod ko Parang babagsak na naman ako

Pagtingin ko sa kaliwa ng entrance gate nakita ko ang clinic

Pinuntahan ko agad ito pumasok at sinalubong ako ng nurse na marunong mag inglis Sinabi ko sa kanya ang nangyayari sa akin.Pinaupo niya ako kinunan ng BP

200/150 Nagulat ang nurse

Inulit ganon ulit Nagdesisyon siyang tumawag ng ambulance

Ilang saglit dumating na si Mariel at si isabela

Nagkaroon ako ng ngiti at nakabawas ng pagkagulo ng isip Pina inom ako ng pangbaba ng blood pressure pero walang pinagbago

“Dumating ang ambulansiya Sinaksakan ako ng dextrose/ ecg Unti unti umepekto ang gamot

“Naging 140/104 Napanatag ang lahat dahilan Para Alisin na ang mga aparato ng ambulansiya,” bahagi ng post noon ni Robin.

Hindi pa siya noon nag-uumpisang magtrabaho sa senado.

 Maraming kontrobersyang kadikit ang pagiging senador ng actor na ang pinakahuli nga ay ang kay DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega, sa ginanap na Senate finance subcommittee hearing.

“Don’t be worried Sen. Robin Padilla. ‘Yung DFA at saka ‘yung gobyerno handang ipagtanggol ang bansa kung sino man ang lulusob sa atin, maging sino man sila,” ang sagot ng undersecretary pero ‘di natuwa ang senador at sumagot ng “Kaya ang itatanong ko po sana dun kanina sa barumbadong sumagot na undersecretary, siya po sana ang sumagot, ay papano niya i-implement sa gitna ng West Philippine Sea ‘yung arbitral ruling.”

Agad namang nanghingi ng paumanhin ang USec “Ah paumanhin po. Hindi po ako nag-smirk. Paumanhin, Senator Padilla.”

Nagkaroon ng pelikulang Maging Sino Ka Man noon si Robin, ka-partner si Sharon Cuneta.

Laplapan nina James at Kelsey trending, 1M views agad!

Wild ang music video ng latest single ni James Reid na u & i kasama ang Fil-Am model ng Victoria’s Secret na si Kelsey Merritt.

“I can see that you want me

And I need you

Your body’s callin’

It completes you

I’ll take you to heaven

High above the smoke

Nobody has to know

I need you alone,” ang bahagi ng lyrics nito kaya naman talagang sexy ang mga eksena nila.

Nagpasalamat na agad si James dahil trending na rin ito sa YouTube kahapon at nang silipin ko ay almost 1 million views na.

TANYA BAUTISTA-NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with