^

Pang Movies

Heart operation ni Robin, naging matagumpay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart operation ni Robin, naging matagumpay!
Mariel at Robin

Sumailalim pala sa heart operation si Sen. Robin Padilla at para siguro maiwasang mag-panic ang may edad nang mom ni Robin na si Eva Cariño-Padilla, sinabi lang ni Mariel Rodriguez sa kanyang post na “heart procedure” ang ginawa kay Robin.

Nag-post ng video si Mariel habang nasa ospital ang senador after the operation at okay na ito at nakangiti habang nagbi-video si Mariel. Nasa video rin ang mga anak nila na sina Isabella at Gabriela with their get well soon wish.

Sabi ni Mariel, “We had a successful heart procedure, it’s been a rollercoaster of emotions for us but ow ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay. Thank you for your prayers. We want to thank our cardiologist Dr. Lopez and Dr. Javier, all the nurses, med tech, people from admission and everyone in @asianhospitalph of course Dr. Rodney Fernan and Dra. Agnes del Rosario and nurses in @cardinalsantos big big thanks to @betchayvidanes and the OSRP staff praise God!!!”

Nagpaabot ng dasal at wish na mabilis na paggaling ni Robin sina Aiko Melendez, Karla Estrada, Angelu de Leon, Iza Calzado, Claudine Barretto, Ana Roces, Charlene Gonzalez, at Kelly Misa na nagpayo ng “Stay away from stress muna.”

Tom, tumangging magsalita tungkol kay Carla

Ika-35th birthday ni Tom Rodriguez kahapon, Oct. 1, at kahit nasa Amerika siya, hindi pa rin siya nakalimutang batiin ng happy birthday ng kanyang fans at TomCar fans nila ni Carla Abellana.

Tama rin na sa kanyang birthday, inilabas ni Ogie Diaz ang interview niya kay Tom sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update  kung saan, nabanggit nitong na masaya siya kung nasaan siya ngayon. Ibinalita rin nitong nakapag-bonding siya at ang kanyang pamilya na kasama niya sa Amerika. Malaking tulong daw na kasama niya ang kanyang pamilya sa kinaharap na problema sa kanila ng dating asawa.

Tinanong ni Ogie ang aktor kung may komunikasyon pa siya sa aktres? Ang sagot nito, “I would rather refrain na lang po from commenting. But at the same time, I’m happily moving on in my own path. And I hope, I wish the same for her.”

Wala itong nabanggit kung kailan siya babalik ng Pilipinas at ang balita namin, kapag nagbalik na siya ng bansa, may gagawin siyang project sa GMA 7.

Dennis, pinaiwas sa mga intriga sa anak

Kasama si Dennis Padilla sa cast ng Maria Clara at Ibarra at ginagampanan ang karakter ni Mang Adong. Wala sa mediacon si Dennis at ang iba pang cast, ang biruan ng press, kaya hindi isinama si Dennis sa mediacon ay dahil baka matanong tungkol sa isyu niya sa mga anak na sina Julia, Claudia at Leon at maiba ang takbo ng mediacon.

Natutuwa ang follo­wers nito sa Instagram na may bago siyang project at wish nila, masundan pa ng maraming projects para makaipon siya. May nag-wish din na sana, ma­ging maayos na ang buhay nito at hindi na maging controversial uli, lalo na kung tungkol sa kanyang mga anak ang usapin.

Kaya, nag-promote na lang ito ng historial portal fantasy on his own sa kanyang Instagram. Nag-post siya ng photos kasama sina Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Andrea Torres at Dennis Trillo.

Toni at Mariel, inulan ng bashing

Ang daming bashers nina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez at mababasa ang comments ng bashers sa convo nina Toni at Mariel sa Instagram ng una. Pinost kasi ni Toni ang photo nila ni Joey de Leon na kuha sa pelikula nila at Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Teacher, ang dami nang nakisali sa convo na bashing naman ang ginawa.

Sabi lang ni Mariel, ang galing ni Toni dahil nakapag-shoot pa ng movie. Tinawag na siyang OA. Sinundan ‘yun ng comment ni Mariel ng na-goosebumps siya nang makita ang photo nina Toni at Joey na lalong ipinag-react ng bashers.

Hindi na lang OA para sa kanila ang asawa ng senador, feeling close raw ito kay Toni at iba pang comments na kung nabasa man nito, deadma na lang siya. Naisip siguro nito na basta siya, masaya ang buhay, may guwapong asawa at magagandang mga anak.

ROBIN PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with