^

Pang Movies

Season 2 ng Lolong, may patikim na   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Good news sa mga sumuporta at netizens na nagbigay ng Best Primetime Serye ng Gawad Pilipino 2022 Icon Awards, ang Lolong ng Kapuso adventure-serye na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Last Friday, Sept. 30, ay nagkaroon na ng Season Finale ang serye, nag-announce na rin ang production na magkakaroon ito ng Season 2. Bunga ito ng pamamayagpag sa ratings at magagandang feedbacks na nakukuha ng Lolong tungkol sa husay ng cast at ganda ng kuwento.

Kaya ngayon, naghahanda na sila sa mas magandang story ng adventure-serye, na tiyak na mapapanood, early 2023. May teaser na rin na may kamay na lumabas mula sa putikan.

Mas malaki raw ang season 2 na hindi lamang sa Villa Escudero sila magsu-shoot, they will explore new locations at may mga bagong characters na papasok, bukod kina Ruru, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Mikoy Morales at Paul Salas.

Kaabang-abang kung babalik pa ba muli si Christopher de Leon, dahil isa na rin siyang Atubaw?

Julie Anne, na-inspire kay Maria Clara

Very excited si Julie Anne San Jose na mapapanood na ang bagong serye nila, ang Maria Clara at Ibarra, ngayong Monday, Oct. 3, with Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Kapuso Drama King Dennis Trillo.

“My role inspires me in real life, kasi si Maria Clara napaka-iconic, she is the symbol of hope, purity and sacrifice. Ini-embody niya ‘yung isang babae na ipinaglalaban ‘yung mga karapatan niya,” sabi ni Julie. “Humanga rin ako sa preparations ng production para ma-assure ang accuracy and credibility ng mga novels ni Dr. Jose Rizal. May historians and consultants po kami sa show, language coach ng Spanish. Kahit ang pagsasalita namin, dapat tama ang pagbigkas ng Tagalog, ang pagkilos, pag-arte at pananamit namin, para maging authentic ang mga eksena at paniwalaan na nangyari talaga ang mga iyon nang panahong iyon at maganda kapag nag-meet na ang past at present.”

Ayon pa kay Julie, tiyak na magugustuhan din ng netizens ang mga eksena kapag nagkita na sila ng Gen Z na si Klay (Barbie Forteza). 

Teresa, kinaiinisan

Paano kaya kapag magkasama na sa mga eksena ang mga mahuhusay na aktres na sina Eula Valdes at Teresa Loyzaga, sa GMA Afternoon Prime drama na Return to Paradise?

Inis na inis na ang netizens kay Rina (Teresa) dahil sa kasamaan ng character nito, pinipilit naman ni Amanda (Eula) na maprotektahan ang kanyang anak na si Eden (Elle Villenueva) pero lagi siyang naiisahan ni Rina.

“Pero magbabago na si Amanda, ngayong nakakita na siya ng tutulong sa kanya para makilala ang tunay na pagkatao ni Rina,” sabi ni Eula sa isang interview.  

Napapanood ang Return to Paradise at 3:20 p.m. sa GMA 7, after Abot-Kamay ang Pangarap.

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with