^

Pang Movies

Ibang nagpapa-dialysis, ‘di kayang tustusan ang gastusin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ibang nagpapa-dialysis, âdi kayang tustusan ang gastusin
Tonton at Lolit

Sad ako kahapon dahil ‘yung isang kasabay ko sa dialysis medyo may problema sa financial kaya hindi nakarating sa session niya. Talagang kailangan na meron kang means para masuportahan mo ang pagpapagamot.

Hindi biro ang gastos ngayon lalo pa nga at mahal ang lahat ng bagay. Plus malaking bagay ‘pag ikaw pa ang padre de pamilya paano na ang trabaho mo.

Nakaka-sad ‘pag gusto mong gumaling pero hayun nga, kulang ang panggastos mo, wala kang pera para tustusan ang kailangan mo.

Iyan nga ang iniiwasan ko kaya ayokong maging close sa mga kasabay ko sa dialysis, naapektuhan ako ng mga nangyayari. Nasa-sad talaga ako, lalo pa nga at sa kaso ko halos malunod ako sa pagmamahal sa akin ng mga taong nakapaligid. Tatlong buwan na akong maysakit, pero kahit piso hindi pa ako nakakagasta ng sarili kong pera sa rami ng nagbabayad at nagbibigay ng pera na pambili ng gamot.

Halos araw-araw iba-ibang pagkain at prutas ang dumarating sa bahay, mga padalang envelopes para sa gastos ko, panggamot ko. Kaya nga kung minsan gusto ko nang maiyak dahil sa pagmamahal na nadarama ko.

What have I done to deserve such love and kindness. Kaya nga for all the people who care for me, my thanks and gratitude. I will never forget ‘yung pagmamahal ninyo, dahil sa inyo kaya ako tumagal ng ganito.

Dahil sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko, anuman ang maging resulta ng kalagayan ko, salamat sa Diyos at sa pagmamahal ninyo.

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with