^

Pang Movies

Barbie, paulit-ulit na itinangging kabit   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Barbie, paulit-ulit na itinangging kabit                
Barbie

“Hindi nga ako kabit!” Ito ang ipinagdiinang muli ni Barbie Imperial sa kanyang latest vlog kung saan ay binasa at sinagot niya ang mean comments sa kanya ng netizens.

May isang basher na pinagbintangan siyang siya ang dahilan ng hiwalayan nina Carlo Aquino at Trina Candaza.

“Teh, kelan ba sila naghiwalay? Kelan ba naghiwalay sina Carlo at Trina? Last year pa. Tapos nagka-movie kami ni Carlo this year lang. Ako na naman sinisisi n’yo?,” sey ni Barbie.

Sey pa niya, “Parang ’yung mga tao gigil na gigil na maging kabit ako ‘no? Parang every time na may nagbi-break, ako talaga. Pero wala namang proof na ako talaga ‘yun.”

Muli niyang iginiit na hindi siya kabit. “At saka, hello! Sinabi ko na ito sa last vlog ko, hindi nga ako kabit. Hindi, okay?”

Aminado naman si Barbie na naaapektuhan din naman siya ng mga pangba-bash sa kanya pero inaalis na lang daw niya ito sa kanyang isipan.

“To be honest, siyempre tao lang din naman medyo nakakaapekto rin siya ng mood. But ako kasi, I make sure na hindi siya pumapasok sa utak ko, lahat ng mga sinasabi ng mga tao. And siyempre matagal-tagal na rin ako sa showbiz, kaya medyo sanay na rin ako,”aniya.

Sa kabila ng bashings ay nagpapakapositibo pa rin si Barbie at ginagamit na lang daw niya itong way pa i-improve ang sarili.

“So, ako very thankful ako na may mga nangba-bash sa akin, especially kapag may something about me na hindi tama. Kasi mas nako-correct ko siya. At lagi kong gustong patunayan sa kanila na, okay, if you’re saying this about me, panoorin mo ako mag-i-improve ako,” she said.

Danica, inggit sa madalas na pagbubuntis ni Kristine

Kaaliw ang kwento ni Dina Bonnevie na naiinggit daw ang anak niyang si Danica Sotto sa hipag nitong si Kristine Hermosa (asawa ni Oyo Boy Sotto) dahil lagi itong nabubuntis.

“Naiinggit siya (Danica) kasi maraming anak si Tin (Kristine) saka si Oyo,” tsika ni Dina nang makapanayam ng press sa mediacon ng bago niyang comedy series sa TV5 na Kalye Kweens.

“So, sabi niya, ‘ayoko lang ng 2 lang ang anak ko, ang hirap, tingnan mo kami ni Oyo, 2 lang kami, ‘pag hindi ako available at hindi pa rin available si Oyo, wala kang kasama,’” patuloy ni Dina.

Kaya noon pa raw talaga nagdadasal si Danica na mabuntis at madagdagan ang anak nila ni Marc Pingris.

Sa ngayon kasi ay lima na ang anak nina Oyo at Kristine kaya sey ni Miss D ay sinabihan din daw niya ang mag-asawa na stop na sa pag-aanak.“Sabi ni Oyo, ‘wala na nga kaming ginagawa!’ (Sabi ko) ‘Ano, tumitingin lang kayo sa isa’t isa? Nabubuntis dahil lang sa tingin?’ Sabi ko, ‘tumigil na kayo,’” sey ni Dina.

Kaya nagpa-work up daw si Danica para mabuntis. “Kasi nga, parang pareho silang (Danica and Marc) stressed, so nahihirapang mabuntis. Then winork up. ‘Yung una, nag-fail, itong pangalawa, nag-work na,” pagbabahagi ni Dina.

Sa kasalukuyan ay buntis na nga si Danica sa pangatlo nilang anak ni Marc at manganganak siya sa January 2023.

BARBIE IMPERIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with