^

Pang Movies

Kristoffer Martin, tanggap na ang pagiging househusband!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kristoffer Martin, tanggap na ang pagiging househusband!           
Kristoffer

Nagkatuwaan ang magkakaibigan na sina Juancho Triviño at Kristoffer Martin tungkol sa pagiging mister nila sa kanilang mga asawa at ama sa kanilang anak. Noong mga single pa raw sila, madali para sa kanila ang magkayayaan at pumunta sa kung saan-saan. Iba na raw kasi ngayon dahil mga padre de pamilya na sila.

Nag-post ng video si Juancho na mahirap na raw imbitahan na maglakwatsa si Kristoffer dahil takot daw ito sa kanyang misis na si AC Banzon. Kinontra iyon ni Kristoffer dahil madali raw pakiusapan ang misis niya. “Katuwaan lang namin ni Juancho ‘yon. Siya kasi, sinabi niya na ander de saya daw ako sa misis ko. Pero ang totoo ‘yan, si Juancho ang ander kay Joyce.

“Si AC, kapag nagpaalam naman ako, okey sa kanya basta alam niya kunsaan ako pupunta. Nakakapag-bike nga ako sa malalayong lugar at walang issue ‘yun sa misis ko. Si Juancho, ayaw payagan ni Joyce. Minsan ko siyang niyaya, hindi raw siya puwede kasi ayaw ng misis niya,” natatawang kuwento ni Kristoffer.

Inamin naman ni Kristoffer na kapag wala siyang taping or mga guesting, househusband daw siya.

“’Yung wife ko kasi nagwu-work sa bank. Kaya minsan ako ang natotoka na mag-alaga sa anak naming si Pre. Ako maghahatid sa kanya sa school, mag-asikaso ng bahay, susunduin ko ‘yung bata sa school tapos susundin ko rin si misis. Ganun ang routine natin ngayon kapag wala akong work at enjoy akong gawin iyon.”

Naglabas ng bagong single si Kristoffer sa ilalim ng GMA Music titled ‘Di Ba? at nais nga niyang bumalik sa pagkanta at ituloy ang pagsulat ng original songs.

“Bata pa lang ako, singing na ang first love ko. Bida-bida ako sa school noon kapag may program. Gusto ko talaga sa music hanggang sa sumali ako noon sa Little Big Superstar noong 2007 sa ABS-CBN 2. Tapos pinasok ko na rin ang acting na nagustuhan ko rin. Pero babalik-balikan mo talaga ‘yung first love mo.”

Lexi, ‘di nalilimutan ang pananampal at pambubuhos ni Cherie

Biglang naalala ng Running Man PH contestant na si Lexi Gonzales ang namayapang aktres na si Cherie Gil.

Kabilang kasi si Cherie sa umupong council noong ika-7th season ng StarStruck kunsaan tinanghal si Lexi bilang First Princess.

Nasa Korea si Lexi noong makarating sa kanya ang balitang pumanaw ang mahusay na aktres dahil sa sakit na edometrial cancer noong nakaraang Aug. 5 sa New York City. Binalik-balikan daw ni Lexi ang mga eksena nang sampalin at buhusan siya ng juice ni Cherie sa acting challenge nila sa StarStruck noong 2019.

“Nasampal po niya ako, nabuhusan niya ako ng juice. So sabi ko wow! ‘Yon pa nga lang masayang-masaya na ‘ko. I admire her so much. Lahat ng advices she gave sa mga challenge na nagawa namin sa StarStruck lahat ‘yon tini-trea­sure ko,” pag-alala pa ni Lexi.

Hinangaan ni Lexi si Cherie dahil sa mga kinuwento nito sa kanila kung paano siya nagsimula sa showbiz at kung ano ang mga ginawa niya para mapanatili ang estado niya bilang isang propesyunal na aktres.

Hindi raw makakalimutan ni Lexi ang paglapit sa kanila ni Cherie noong last episode na ng StarStruck. Sinabihan daw silang apat ng aktres na pagkatapos ng contest, doon pa lang magsisimula ang lahat para sa kanila. Maghanda na raw sila sa “real world” na kanilang tatahakin after StarStruck.

“Naalala ko pong sinabi niya sa amin na , ‘It is not a race, it’s a marathon. So hindi siya pabilisan, patagalan sa industriya.” pahayag pa ni Lexi.

Award Winning Rapper Coolio, natagpuang patay sa banyo

Pumanaw na ang Grammy Award winning rapper na si Coolio noong nakaraang Sept. 28 sa Los Angeles. He was 59.

Nakilala si Coolio or Artis Leon Ivey Jr. in real life ay sumikat dahil sa ‘90s hit rap single niya na Gangsta’s Paradise na ginamit sa pelikulang Dange­rous Minds in 1995. Ang iba pa niyang hits ay ang Fantastic Voyage, 1, 2, 3, 4 (Sumpin’ New) and C U When U Get There.

Ayon sa report ng TMZ, ang manager na si Jarez Posey ang nagkumpirma sa pagpanaw ni Coolio. Suspected heart attack daw ang naging sanhi ng biglang pagkamatay ng rapper.

“As far as what I know now is that he was at a friend’s house and was in his bathroom. When Coolio didn’t respond to his name being called, his friend went inside the bathroom and found him unresponsive on the floor. The friend then called the paramedics, who pronounced Coolio dead upon arriving at the scene.”

Wala naman daw nakitang drugs or drug paraphernalia kunsaan natagpuang walang buhay si Coolio. Hinihintay na lang ang autopsy and toxicology test para ma-determine ang official cause of death.

KRISTOFFER MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with