^

Pang Movies

Anne, nagmukhang si Natalie Portman!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Anne, nagmukhang si Natalie Portman!
Anne

Siguradong marami ang gagaya sa bagong hairstyle ni Anne Curtis na after so many years, nagpagupit at short hair na ang nanay ni Dahlia na bumagay sa kanya. Ginulat ni Anne hindi lang ang kanyang fans, pati na ang mga kaibigan, pero aprubado sa kanyang friends ang bagong hairstyle ng aktres.

Si Solenn Heussaff nga, love niya ang hairstyle ni Anne pati ang bangs nito. Si Antoinette Taus naman, tinawag si Anne na “Natalie P in “The Professional.” Si Natalie Portman ang tinukoy ni Antoinette at ganu’n din ang comment ni Pia Wurtzbach. Naiba lang si Kakai Bautista dahil si Winona Ryder daw ang naging kamukha ni Anne.

Mas marami ang nagsabing mas Natalie Portman ang dating ni Anne sa kanyang buhok at may mga nababasa na kaming comment na magpapagupit sila at gagayahin ang buhok ni Anne. 

Parang ‘di buntis... Iza, pinaalalahanan sa pagbubuhat ng mabigat!

Ang netizens ang natatakot at panay ang paalala kay Iza Calzado to be careful dahil kahit buntis, tuloy ang workout nito. Hindi basta workout ang ginagawa nito at may binubuhat at itinutulak siya.

Sabi nito, “STRONG MOMS GROW STRONG BABIES. During pregnancy, exercise can help you stay in shape and prepare for labor and delivery. For most pregnant women, at least 30 minutes of moderate-intensity exercise is recommended on most, if not all, days of the week.

Strength training is OK, as long as you stick to relatively low weights. ‘Yung tipong pwede pa kayo magusap at magtawanan. Gave her some safe workouts that would strengthen her body during pregnancy.”

Kahit may ganu’ng post si Iza, hindi pa rin maiwasang matakot ang netizens para sa estado niya. Maghinay-hinay daw siya lalo’t first baby nila ito ng asawang si Ben Wintle at mag-ingat kahit may go signal siya sa kanyang OB-Gyne. Baka raw mahilo si baby na nasa tiyan niya.

Tama ang isang netizen na maraming opinyon ang ibinibigay sa aktres, pero siya pa rin ang masusunod dahil siya ang nakakaalam sa kanyang katawan. Parang sa kaso lang ni Iya Villania, ang daming salungat na opinyon sa paniniwala nito, pero siya pa rin ang nasunod.

Endorsement ni Andrew E. sa shopping app, peke!

Based sa post niya sa Instagram, nasa Vancouver, Canada si Andrew E. at katatapos lang ng show niya doon kahapon, Sept. 30. Hindi alam ni Andrew E. na may tsika rito na siya raw ang bagong endorser ng isang shopping app, katapat ni Toni Gonzaga.

Ang sabi pa, sa Oct. 10, ipakikilala si Andrew, kaya lang, gawa lang pala ng netizen ang parang poster niya at para lang inisin ang subscribers nito na lilipat daw sa kabila.

Nag-alisan kasi ang subscribers na Kakampinks dahil kay Toni at lilipat daw ang iba sa kalaban nito. Kaya lang, supporter ni Vice President Sara Duterte si Andrew na for sure, si President Bongbong Marcos ang ibinotong presidente last election. 

Glaiza at Mike, itutuloy ang serye

Itinuloy ng GMA 7 ang taping ng Afternoon series na Seed of Love tampok sina Glaiza de Castro at Mike Tan and in fact, nag-resume na sila ng taping. Sa direction ni Ricky Davao, noong 2020 pa sinimulan ang taping ng series na kundi kami nagkakamali, sa Benguet kinunan ang mga naunang eksena.

And speaking of Glaiza, sa January 2023 na pala ang wedding nila ng asawang si David Rainey dito sa Pilipinas. Inilabas na ng Niceprint Photo ang prenup photos ng dalawa na kinunan sa Sundowners Zambales. Ang gaganda ng photos at ang ganda ng location, bumagay sina Glaiza at asawang si David.

Nauna nang ikinasal sina Glaiza at David sa Ireland noong Oct. 16, 2021 at napagkasunduan na magkaroon din ng wedding ceremony dito para sa pamilya at mga kaibigan ni Glaiza.

Dahil next year pa ang wedding dito nina Glaiza at David, nagpapaka-busy muna ang aktres. Kapag nagtapos ang Running Man PH, sa Seed of Love naman siya mapapanood and in between, may gagawin siyang pelikula. Busy si Misis Rainey!

ANNE CURTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with