^

Pang Movies

Ate Vi, seryoso na sa pagiging vlogger

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Tiyak na matutuwa ang Vilmanians at Vilmates ng actress-politician at Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto dahil ngayon ay puwede na niyang haraping muli ang kanyang showbiz career matapos niya itong isantabi (pansamantala) nang mag-focus siya bilang public servant sa loob ng 24 taon.

Ang magandang balita, nakatakda siyang gumawa ng pelikula sa bakuran ng Reality Entertainment nina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde.

Although wala pang detalye, sapat nang maging masaya ang kanyang supporters na muli itong magi­ging aktibo sa kanyang acting career.

Ang isa pang pinagkakaabalahan ngayon ni Vi ay ang kanyang pagiging YouTuber na natutunan niya sa kanyang panganay na si Luis Manzano at misis nitong si Jessy Mendiola.

As of this writing ay abot na sa 454K subscribers ang YouTube channel ni Vi and growing.

Ang isa pa niyang ikinae-excite ay ang nalalapit na katuparan ng kanyang pagiging granny dahil malapit nang isilang ng kanyang daughter-in-law na si Jessy Mendiola ang magiging first baby nila ni Luis.

Habang patuloy ang kanyang mister na si Rep. Ralph Recto sa kanyang political career, si Vi naman ay mas relaxed ngayon sa kanyang buhay dahil pahinga muna siya sa pulitika.

May bagong product endorsement din ngayon si Vi at proud siya sa kanyang anak na si Luis (sa kanyang ex-husband na si Edu Manzano) dahil bukod sa malapit na itong maging ama, napakasipag nito hindi lamang bilang TV host at YouTuber kundi bilang isang product endorser at negosyante.

Tulad ni Vi, excited din ang ex-husband ni Vi at ama ni Luis na si Edu Manzano dahil magiging grandpa na rin siya sa wakas.

Panganay ni Dimples, ngayon lang nakita ang kapatid!

Tuwang-tuwa si Dimples Romana na kahit isang linggo lamang ay nakauwi ang kanyang anak from Australia kung saan ito nag-aaral ng aviation management.

Sa pag-uwi ni Callie ay doon lamang niya nakita ang kanyang youngest brother na si Baby Elio. Naisi­ngit din nila ang kanilang kauna-unahang family picture na kumpleto silang lima bago lumipad pabalik ng Australia si Callie.

Kahit bagong panganak lang noon si Dimples sa kanyang bunsong anak, nakuha nitong lumipad patungong Australia para saksihan ang unang flight ng kanyang panganay sa kanyang flying school. Nasorpresa si Callie dahil hindi niya inasahan na darating ang kanyang mommy kaya nagkaiyakan ang mag-ina.

Malayo ang agwat ni Callie sa kanyang younger brother na si Alonzo na pitong taong gulang pa lamang habang ang bunso niyang kapatid ay four months old.

Napaiyak si Alonzo nang makita ang kanyang ate na very close sa kanya.

Mag-amang Joko at Ashley, nagsama sa pelikula

Masaya ang actor na si Joko Diaz dahil sa wakas ay meron nang laun­ching movie ang kanyang anak na si Ashley Diaz sa bakuran ng Viva kung saan sila pareho nakakontrata.

Mystery-thriller ang tema ng unang movie ni Ashley na siya ang bida na may pamagat na Mary Cherry Chua mula sa panulat at direksiyon ni Roni S. Benaid.

Natutuwa ang young singer-actress dahil kasama niya ang kanyang dad (Joko) sa movie. Bukod kay Joko nasa cast din sina Kokoy de Santos, Lyca Gairanod, Alma Moreno, Abby Bautista, Krisshia Viaje at iba pa.

 Ngayong 18 na si Ashley, payagan na kaya ito ng kanyang amang si Joko na magpaligaw?

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with