^

Pang Movies

Fans, mas busy sa pagpapa-trend kesa lumabas!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Apektado yata ng panahon ang pasok ng manonood sa mga sinehan.

Hindi raw box office ang mga pinalabas na pelikula lately – foreign man o local.

Pero hopeful ang marami na dadagsa ngayong weekend ang mga manonood lalo na nga suweldo rin naman.

Kaya lang iba na kasi talaga ang panahon ngayon.

Mas talaga atang tutok na ang lahat sa internet.

Kahapon imbes na ‘di pag-usapan ang pagla-launch kay Toni Gonzaga ng isang shopping app, mas umingay pa dahil sa ginawa ng mga Kakampink na pagpapa-trend.

Parang umaga pa lang ata, trending na ang nasabing shopping app.

Kung sabagay ganundin naman ang kapalaran ng maraming artista.

Nabawasan ang kanilang mga ningning dahil sa social media.

Lovi, ini-enjoy ang ilusyon

Nasa cloud 9 ngayon ang Supreme Actress na si Lovi Poe.

Ang dahilan nito ay ang mga magagandang review na natanggap niya para sa pagganap kay Iris Castillo-del Rosario sa Philippine adaptation ng Flower of Evil.

Ang serye ang unang pagpasok ni Lovi sa suspense-mystery and action genre. “At least for the duration of this series I fulfilled my dream of being an Action Queen,” kumpisal ni Lovi.

“ The people on our set started calling me LPJ or DA Queen in reference to my father, FPJ, and I really enjoyed having that illusion, even if it’s just for a short moment,” dagdag pa ng actress.

Bilang isang police detective, required si Lovi ng maraming action sequences, fight scenes, chase scenes, and instead of a purse, her accessory this time was a hand gun. “I’m really proud of our show, and I am extreme grateful for having the best production staff, the best directors and a wonderful cast”, pag-amin pa ng actress. “I loved working with all my co-actors in the show because they were extremely dedicated to the project, Piolo Pascual, my leading man, was very supportive and encouraging, and so were Paulo Avelino, JC De Vera and the rest of the cast.”

What’s next for Lovi?

Muling ipakikita ng actress ang another side of her personality with her musical skills, this time, sa mga kababayan natin sa United States, bilang magiging ASAP Natin ‘To sa Nov.  5 at the Orleans Arena in Las Vegas.

Idol Philippines winners, panay ang pa-ty

Malaki ang pasasalamat ng Idol Philippines Season 2 Top 5 na sina Khimo Gumatay, Ryssi Avila, Kice, Ann Raniel, at Bryan Chong sa pinakamalaking talent reality show sa ginawang pagbabago nito sa kani-kanilang buhay.

Ani ng Idol PH Season 2 grand winner na si Khimo, “Idol Philippines was indeed a humbling experience and also a blessing po.”

Pagbabahagi niya na muntik na raw siyang hindi sumali ng kumpetisyon.

“Actually po, nung una hindi po dapat ako sasali ng Idol Philippines pero sa tulong po ng mga taong nakapaligid po sa’kin na mag-push po talaga na sumali dito. Ngayon po, I’m beyond thankful po na sumali po ako rito sa Idol Philippines,” dagdag niya.

Naging susi naman ang kumpe­tisyon kay Ryssi para makilala siya ng mga tao higit pa sa mga binatong kontrobersiya sa kanya.

“Nabago po ng Idol ‘yung buhay ko kasi sila yung nagbigay sa akin ng chance na ipakita ‘yung talent ko sa mga tao at iyon ang tingnan nila at hindi ‘yung mga controversy na nagdaan sa buhay ko,” sabi niya.

Bukod sa mga natutunan, mas napalapit si Kice sa kanyang mga minamahal dahil sa kumpetisyon.

“‘Yung family ko from all over the world, they connected even mga family members ko na hindi ko kilala, naglalabasan lang because they watch me,” pagbabahagi niya.

Para naman kina Ann at Bryan, mas nakakuha sila ng kumpiyansa para ipagpatuloy ang galing sa pagkanta dahil sa kumpetisyon na nagtiwala sa kani-kanilang talento.

Nitong Linggo (Set. 25), nasaksihan ng mano­nood ang unang pagtapak ng lima sa stage ng ASAP Natin To.

Available na rin sa Spotify ang original songs ng Top 5 na My Time ni Khimo, Totoo Na ‘To ni Ryssi, Angels ni Kice, Sa Wakas ni Bryan Chong, at Power ni Ann Raniel.

LOVI POE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with