^

Pang Movies

Maja, tuhog sa tatlong network  

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Lumabas na ang balita na bumalik na sa kanyang home network si Maja Salvador, sa ABS-CBN, at nakita sila ni Richard Gutierrez sa Cebu, dahil magtatambal sila sa isang serye sa Kapamilya Channel, ang Iron Heart, na makakasama nila sina Sue Ramirez at Jake Cuenca.

Taped last Monday to Wednesday ang long-running noontime show na Eat Bulaga, kaya akala ng netizens, umalis na si Maja sa show. Pero kahapon, Thursday, live na ang EB, at naroon si Maja. Allowed naman siguro si Maja na mag-guest pa rin sa ibang shows, kahit nasa ABS-CBN, dahil gumagawa rin siya ng shows sa TV5.

Derrick, gulat sa 2 Diamond Awards

Nasorpresa pala si Derrick Monasterio sa dalawang awards na natanggap niya mula sa The Diamond Excellence Awards na ginanap sa Okada Hotel last Sept. 27. Siya ang napiling Outstanding TV Actor of the Year at siya rin ang napiling Male Star of the Night.

Pasasalamat ni Derrick: “Thank you for recognizing my talents, hardwork and sacrifices. And oh, thanks for this unexpected Male Star of the Night Award, too. #1stActingAward“

Ayon pa kay Derrick, magiging inspirasyon niya ang first acting award niya para pagbutihin lalo ang mga trabaho niya ngayon, ang ongoing GMA Afternoon Prime series na Return to Paradise with Eula Valdez, Teresa Loyzaga, Allen Dizon, and new Sparkle GMA artist Elle Villanueva na napapanood at 3:20 p.m. sa GMA 7.

Gina, proud sa pagiging lola

Habang inihahanda pa ang susunod na directorial job ni Ms. Gina Alajar, ang sipag niyang mag-post ng mga pasasalamat niya sa netizens and viewers na nagustuhan ang kanyang pagbalik sa acting pagkatapos ng ilang seryeng ginawa niya.

“Every good and perfect gift comes from God; Start-Up PH is one such gift to me, so so blessed to play the part of Lola Joy,” banggit ni Gina.

Si Lola Joy ay ang loving at napakabait na lola nina Dani (Bea Alonzo) at Ina (Yasmien Kurdi) at siya rin ang nag-alaga at nagbigay ng pangalang ‘Good Boy’ at tumulong kay Tristan (Alden Ri­chards) para matupad ang mga pangarap nito sa Start-Up PH, na gabi-gabing nagti-trending at napapanood gabi-gabi, 8:50 p.m. sa GMA 7 after Lolong.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with